Chapter 6

18 1 0
                                    

Jean's POV

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi nang makita ko si Belo.

Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang kinuha ni Belo ang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako!" sabi ko sa kanya at binawi ko sa kanya yung kamay ko.

"Gusto mo bang magalit si Engineer sayo kapag sinabi ko ito?" sabi nya sa akin at kinuha ulit ang kamay ko at dinala ako doon sa picnic.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako. Hindi tayo close!" sabi ko sa kanya. Hawak hawak nya parin ako. Namula tuloy ako bigla.

"Edi makikipagclose ako sayo." sabi nya sakin at tuluyan na kaming nakarating sa picnic.

Pinaupo nya muna ako bago sya pumunta sa pwesto nya. Binuksan nya yung basket at nilabas yung mga pagkain. Nakita ko yung mga pagkain na nilabas nya, mga favorite kong pagkain yun.

Inabot nya sa akin yung paborito kong fried tempura na may hot sauce. My gosh!

"Ayoko baka may lason yan. Tsaka hindi nga tayo close." sabi ko sa kanya kahit natatakam na ako.

"Kaya nga makikipag close sayo eh. Titikman ko para malaman mo na walang lason." sabi nya sa akin ng seryoso. Aktong kakain nya yung tempura ng pigilan ko sya.

"Oo na, naniniwala na ako." sabi ko sa kanya at kinuha ko yung pagkain. "Bakit ka ba nakikipagclose sakin? Wala ka bang kaibigan? Tsaka hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo nung umuwi ako. Bakit mo ginawa yun?" mahaba kong litanya sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba.

"Sorry nga pala doon." sabi nya patungkol sa pagharang nya sa jeep nung pauwi ako. "Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong nya sakin.

Panong hindi ko sya matatandaan eh lagi sya nakasimangot kapag nakikita ko sya. Qiqil niah cie aqouh.

"Hahaha! Paanong hindi, ikaw yung laging nakasimangot. Tsaka malay ko kung sino ka." sagot ko sa kanya. Hindi ko nga sya kilala. Belo lang alam ko.

Nakita ko naman na bumuntong hininga sya. Problema nito?

"My name is Kenneth Belino. Call me Kenneth." sabi nya sa akin at binigay nya sa akin yung kamay nya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba.

Ambastos ko naman kung gagawin ko iyon. Kaya inabot ko na lang.

"Okay Mr. Belo. I mean Kenneth." sabi ko sa kanya at nakipagshake hands.

Nag-usap kami tungkol sa kung anu anong bagay. (Wag kang green!) Nalaman ko na sikat pala sya dito sa school at hindi sya masyadong nikikipagclose. Hindi ko nga alam kung bakit sya nakikipagclose sakin.

Planadong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon