Kenneth's POV
Yes, I'm Kenneth Belino. Yung laging may negative aura na nakapalibot sa akin. Hindi naman ako negative na tao, sadyang ganun lang facial expression. Laging nakapoker face. Well hindi ko rin sila masisisi kung ganun yung sabi nila sa akin.
Unang kita ko palang kay Jean ay nabighani na talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, sa dinami rami ng pinapakilala sakin ni papa na anak ng kabusiness partner nya ay kay Jean lang talaga ako tinamaan.
Nag-usap ang papa ko at papa nya tungkol sa business namin. Ang gustong kahilingan ni papa sa daddy ni Jean ay ang magpakasal kami para mailigtas ang kumpanya nila. Lihim namang natuwa ako doon, dahil magpapakasal kami agad.
Ngunit hindi pumayag si Jean, nagtalo si ng daddy nya at pinalayas sya nito. Hindi pa rin pumapayag si paoa na tulungan sila Jean sa kumpanya nila.
Kilala kasi ako ni papa, alam nya kasi kung gusto ko ba ang isang babae o hindi. At dahil nakita ni papa sa mukha na gusto ko si Jean, ay inisip nya agad ang tungkol sa kasal.
Nakiusap parin ang daddy ni Jean kay papa na tulungan namin sila. Pero ayaw parin ni papa.
Hanggang sa nagsabi ang daddy ni Jean na planuhin na mainlove sya sa akin. Sumang-ayon naman ako doon at si papa. Kaya kahit papaano ay matutulungan sila ni papa temporarily.
Kahit alam kong masasaktan ko si Jean once na mahulog sya sa akin at malaman ang tungkol sa plano, wala akong pakialam. Mahal ko sya. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig.
Napagplanuhan ng papa ni Jean na ilipat sya school ko ng sa ganoon ay hindi narin ako mahirapan. Pati narin ang tinutuluyan nyang boarding house ay isa sa plano na nasunod naman.
Kilala ako sa Casi University bilang Campus heartthrob at kinatatakutan din ng karamihan dahil sa papaging cold ko sa kanila. Ayoko kasi ng maraming nakabuntot sa akin. I even deactivated my Social Media Accounts.
Unang pasok ni Jean sa Campus ay talagang kinabahan ako ng sobra. Alam ko namang hindi nya ako makikilala dahil iba ang itsura ko nung nagkita kami dahil sa business ng papa namin. Mabuti naman ay may iilan na subjects na parehas kami. Civil Engineering ang course ko at BSEd Math sya.
Mas lalo akong kinabahan nung oras na pumasok na sya sa loob ng room namin at nagpakilala. Nagalak ako at narinig kong muli ang mala-anghel na tinig nya. Ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya dahil baka masira ang plano namin. Labis ako natuwa nung magkatabi ng upuan. Pinilit ko talagang pigilan ang sarili na hindi mapakali.
Ayaw ko pa sanang matapos ang subject namin para makasama ko pa sya ng matagal. Hindi ko alam na nagtanong sya sakin kung saan ang patungong cafeteria subalit hindi ko ito nasagot dahil nakatulala ako at mas mabuting wag na baka masira ang plano namin.
Agad naman akong nagtungo ng cafeteria para makita sya. Naunahan ko sya dahil hindi pa nya masyadong kabisado ang mga pasikot sikot ng school.
Naghihintay ako sa kanya at agad ko namam syang nakita. Nakita ko syang medyong nagblush ng pumasok ng cafeteria agad naman itong umorder at nagtungo sa pwesto ko dahil ito lang ang nakita nyang bakante na upuan sa loob. Nagtanong sya sa kin kung pwede ko ba syang umupo at hindi ko ito sinagot. Nagsungit ako sa kanyang nung makaupo na sya para hindi sya makaramdam ng mali sakin.
Nakyutan ako sa kanya nung tarayan nya ako. Ilang sandali lang ay umalis na ako baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.Nagpunta na ako sa next subject ko, expected ko na classmate ko sya ulit kasama ang mga ComSci. Nainis ako ng madapa sya at sinalo sya ni Marc Sharpano. Ako dapat ang sasalo sa kanya ngunit naunahan nya ako. Nakita ko namang namula si Jean doon nagpunta na sa tabi ko. Natuwa ulit ako dahil katabi ko na naman siya.
BINABASA MO ANG
Planadong Pag-ibig
Fiction générale| Highest Rank Achieved #477 in General Fiction | Ngunit paano kung malaman mo ang katotohanan? Ang katotohanan na isa lamang itong planadong pag-ibig. Masusuklam ka ba? Matutuwa? O patuloy kang magmamahal? "You can plan everything except LOVE." Dat...