Chapter 8

1 0 0
                                    

Jean

Ano ba yan! Kailangan ko sumali kahit isa sa event ng foundation day. One requirement sya for SA. Kailangan daw maganda ang grade background namin.

"Melody! Samahan mo ako sa cafeteria. Nagugutom na ako." sabi ko kay Melody. Kanina pa kasi ako nagtatrabaho, nakalimutan ko na nga magtanghalian.

"Bakla, may gagawin pa ako." sabi ni bakla. Aalis na sana kaso pinigilan ko.

"Libre kita. Dali na." pangaalok ko sa kanya. Sumahod na kasi kami at nakapagbayad na ako sa renta, kaya anlakas ng loob ko manlibre.

"Hwag na baks, mayaman na ako. Kakasahod lang natin. Sige na, may gagawin pa ako." sabi ni Melody at umalis na. Hindi ko na sya pinigilan.

Nagtungo na ako sa cafeteria at bumili na ng makakain ko.

Naghanap na ako ng pwesto. As I expected, dun lagi walang pumupwesto. Hindi ko alam kung bakit, basta answerte ko lagi pagkakain, nakakahanap na agad ako ng pwesto. Feeling ko nga pwesto ko yun eh.

Umupo na ako doon at nag-umpisa na ng paglamon. Hindi pwede sa Admin kumain, syempre understood na yun. Malapiy yung office ng dean doon. Kaya dapat malinis.

Nakalimutan ko pala bumili ng inumin. Tatayo na sana ako para bumili nang may naglapag ng orange juice. My favorite!

Tinignan ko kung sino yun. Si Kenneth. Siguro breaktime na nila.

"Thank you." sabi ko sa kanya. At kinuha ko yung juice. Kaso bigla nyang inagaw.

"Kakasahod mo lang diba? Magbayad ka muna." sabi nya sa akin.

Wala akong balak patulan ang kalokohan nya. Tatayo na sana ako para bumili ng orange juice nang bigla syang magsalita.

"Joke lang! Eto na oh." sabi nya sa akin at binalik yung orange juice.

Hindi ko sya pinakinggan at tumayo kaso napaupo ako ng hatakin nya ako.

"Uy, nagbibiro lang. Sorry na." sabi nya sa akin at pilit binibigay yung orange juice.

"No, tha--" putol na sabi ko nang bigla nyang tinakpan yung bibig ko.

"Ano b-" pilit kong magsalita habang nakatakio yung bibig ko sa kamay nya.

"Pag hindi ka tumigil sa pagsasalita dyan, hahalikan kita." pagsabi nya na kaagad ko naman ikinatahimik

"Joke lang. Ano ka sinuswerte?" pagsabi nya habang tumutawa.

Hindi ko na lang sya pinansin at kinuha yunh orange juice na binigay nya.

"Baka may lason to." sabi ko sa kanya at ininom na yung juice na binigay nya.

"Oo meron, may ihi pa nga ng aso yan eh." sabi nya pagkatapos kong uminom.

"Nakakadiri ka!" sabi ko sa kanya habang hinahampas sya. Sya naman panay tawa, alam ko namang nagbibiro sya.

Nakakapagtataka lang na itong lalaking to na may negative aura, kaya palang magbiro. Ang weird! Minsan ang cold nya minsan hindi.

Planadong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon