Chapter 7

27 1 0
                                    


Jean's POV

Wala akong pasok ngayon pero kailangan ko magpunta ng school para magtrabaho.

flashback

"Okay na ako dito. Sige, pwede muna ako iwan." sabi ko kay Kenneth at binuksan ang pintuan ng Admin.

"Hahatid kita mamaya ah." sabi nya sa akin kahit nakatalikod ako sa kanya.

"Okay lang kahit wag na." sabi ko sa kanya at tuluyan na ako pumasok sa loob.

Natapos na ang mga kailangan kong gawin at oras na para umuwi.

Bumababa na akong building at lumabas na ako campus. Aktong sasakay na sana ako ng jeep nang makita ko si Kenneth na naghihintay.

"Sakay na." sabi nya sa akin at kinuha ang kamay ko. Nakaramdaman na naman ako ng pamumula.

"Okay nga lang kahit wag na." sabi ko sa kanya at binawi ko ang kamay ko. Ngunit kinuha nya rin agad ito at pinapasok na ako sa passenger seat.

"Gusto mo ba ulit na humarang ako sa daan?" sabi nya sa akin at hindi na ako nangulit pa.

Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay nagsalita sya.

"Huwag kang lalapit sa Marc na yun." sabi nya sakin habang nakatingin sya sa daan.

"Bakit ba?" tanong ko sa kanya na nagtataka. Mabait naman si Marc.

"Basta, huwag mong lalapitan yun."  sabi nya sakin. Hindi ko na ulit sya tinanong.

end of flashback

Hindi ko alam kung bakit iniisip ko sya. Nakakainis!

Lumabas na ako ng kwarto para pumunta ng banyo upang maligo. Napansin ko na may tao doon sa loob.

Planadong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon