"Humanda na sya dahil nandyan na sya." sabi nung babaeng tinitigan ko kanina at umalis na sila.
Ewan ko sa kanila kung ano ba iyong pinag-uusapan nila. Paglingon ko bigla ako nagulat at napasigaw. Si Belo, yung laging may negative aura sa likod nya. Nakita ko naman na napatawa sya ng mahina. Tumatawa pala ito kahit papaano.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko at hindi na lang sya pinansin. Nakita ko naman yung dalawang babae kanina, nagulat ata sila. Ewan ko sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.Papunta akong library para magbasa para sa next subject ko. May oras pa naman ako.
Habang papunta ako doon, ay inisip ko na kaunti na lang ang pera na mayroon ako. Hindi ko alam kung saan maghahanap ng trabaho. Paglingon ko ay, nakita ko sa board sa labas ng Guidance Office na naghahanap sila ng bagong Student Assistant.
Nagpunta ako doon at nagtanong kung pwedeng mag-apply.
"Good day po! Paano po mag-apply bilang Student Assistant?" tanong ko dun sa babaeng nasa loob ng Office. Mukhang SA din sya.
Sinabi naman nya sakin na kailangan kong magpasa ng resume, letter at copy ng schedule ko. Magpaprint na lang ako sa labas at ipapasa ko mamaya after ng last class.
Nagpunta na ako ng library at pumasok na agad. Nag-log in na ako at pumunta sa dulo ng library na kung saan walang umuupo doon kahit isa.
Nilapag ko na ang mga gamit ko at naghanap ng libro para sa subject ko mamaya.
Nagtanong muna ako sa Librarian para makita ko agad ang librong hinahanap ko. Tinuro naman nito sakin kung saan ko maaari mahanap yung libro.
Nagtungo na ako doon at hinahanap na yung libro. Hindi ko inaasahan na may mabubunggo ako sa mahuhulog. Mabuti na lang ay sinalo ako ng nakabunggo ko. Pagdilat ko ay nagulat ako kung sino yun. Si Fafa Marc! Yieeee!
"Okay ka lang?" tanong nito sakin. Napakapogi talaga nya.
"Oo, salamat." sabi ko sa kanya habang nakayuko.
"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo at mag-ingat ka. Sige mauna na ako pasok na ako sa next class ko." sabi ni Marc sakin na may pag-aalala at umalis na ng library.
"Thank you! salamat talaga." pahabol ko kay Fafa Marc
Nakakahiya! Tuwing may mangyayari sakin ng masama, sya ang nagliligtas sakin. Knight in Shining Armor ko talaga sya! Pumunta na ako sa pwesto ko at nag-umpisa na mag-advance review baka magpaquiz ng bigla yun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."I'm really disappointed with your scores. However, may isa naman mataas ang that's Ms.Clayo." sabi nito samin. Nag-advance kasi ako kanina kaya ako ang nakakuha ng mataas na score. Bigla bigla kasi itong professor namin magpaquiz.
Nakita ko naman nakatingin sakin ang mga classmate at halata naman sila na naiinsecure sa akin.
"Thank you sir!" sabay sabay namin sabi sa prof namin.
BINABASA MO ANG
Planadong Pag-ibig
General Fiction| Highest Rank Achieved #477 in General Fiction | Ngunit paano kung malaman mo ang katotohanan? Ang katotohanan na isa lamang itong planadong pag-ibig. Masusuklam ka ba? Matutuwa? O patuloy kang magmamahal? "You can plan everything except LOVE." Dat...