Sorry kung sa tingin mo nagbago ako
Namulat na kasi ako sa katotohanang hindi magiging tayo
Hindi na ko naghahabol sayo na parang aso
Hindi na abot langit ang ngiti ko kapag nasilayan ang mukha moPasensya na kung pakiramdam mo na lumalayo ako
Ayoko lng naman kasing tuluyan ng madurog ang puso ko
Pinipilit ko na kasing kalimutan ang pagtingin sayo
Upang ang sakit na nararamdaman ay tuluyan ng maglahoWag mo na sanang pahirapan ang damdamin nating dalawa
Pagkat sa huli ako na naman ang kawawa
Paaasahin mo sa matatamis mong salita
'Tas sa huli ay iiwang luhaan at mag-isaPagod na ko
Suko na ang puso't isip ko
Itigil mo na 'yang palabas mo
Kasi ikamamatay na ng puso ko ang isa pang "Mahal kita! bilang kaibigan mo."
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryJust a random poem specially made by ME😊💕 Ang lahat po ng nakasulat dito ay pawang imahinasyon lamang. Enjoy reading😘 By yours truly, ...