Hindi ko namalayan

166 3 0
                                    

Nabighani ng mga ngiti mo ang kaklase't kaibigan ko.
Kinalabit nila ko at sinabing "Ang gwapo nya oh!"
Sabay turo sa pwesto mo.
Atensyon ko'y napukaw mo.

Sinabi ko sa kanila "Hindi naman masyado."
Binatukan nila ko dahil don.
Sabay sabing "Sus! Kunwari ka pa."
Tinignan kitang maigi, may kakaiba sayong mga ngiti.
Di ko namalayan ako pala'y nabighani.

Lumipas ang mga araw,
Sa bintana ako'y nakatanaw.
Muli kang nakita,
Araw ko ay sumaya.

Basketball player, drummer, at dancer.
Iyan ang mga talento mo na lalong nagpabighani sa damdamin ko.
Hindi ko namalayan crush na pala kita.
Pinanood kitang maglaro,
Sabi ko magaling pala ito.
Crush na kita kaya nagtanong-tanong ako kung anong pangalan mo.
Pati edad mo ay tinanong ko pa,
At doon ako nadismaya.
Bata ka pa pala.

Mismong araw na yon,
Naglakas loob akong magsend ng friend request.
Hindi ko akalain na iyong iaaccept.
Naging makulit ako para hindi ka maboring,
Kaso napagalaman ko mula sayo,
Na ikaw pala ay may iba ng ginugusto.

Hindi naman ako umaasa na maging tayo.
Gusto ko lang mapalapit sayo.
Ung maging matalik na magkaibigan.
Kahit hanggang dun nalang.

Alam ko naman kasi na imposible kang magkagusto sa tulad ko.
Hindi naman kasi ako kagandahan.
Kung pwede ko lang sabihin sayo ng harap-harapan,
"Gusto na kita ng hindi ko namamalayan."

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon