Nakatayo ka sa harap ng altar
Altar na ginawa para sa mga studyanteng nais magpakasal
Foundation week
At ang puso ko ay unti-unting nagiging weakTinatawag ang iyong pangalan sa mikropono
Pinapahanap ka ng taong nagmamahal sayo
Pilit kong pinapanalangin
Na sana ay wag kang dumatingNgunit pumikit lng ako saglit
Pagdilat ko'y nakatayo ka na sa harap ng altar
Muli akong nanalangin
Na sana ay huwag kang pumayagPagdilat ng aking mata
Sakin ika'y nakatingin
Sinasambit ng iyong bibig
'Babe sorry'Nakangiti aking mga labi
Ngunit puso ko'y unti-unting gumuguho
Ano ba naman ako para sayo?
Eh naging tayo lng naman dahil sa laroUmusad ang seremonyas
Huminto ang oras
Sa eksenang higit na nagpasakit
Paghinga ay lalong sumikip'You may now kiss the bride'
Tumingin ka sa kanya
Hinawakan ang kanyang kamay
Kasabay ng pagtalikod koMasakit pala kahit biro lang ito
Kahit naging tayo dahil lng sa laro
Heto ako't kinekwento ang storya nating dalawa
At kung pano nagtapos sa isang kisap mata
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryJust a random poem specially made by ME😊💕 Ang lahat po ng nakasulat dito ay pawang imahinasyon lamang. Enjoy reading😘 By yours truly, ...