Salamat sa buhay na pinagkaloob
Habang buhay kong tatanawin na utang na loob
Sa bawat aral na tinatak mo sa isipan ko
Hanggang sa aking huling hantungan ay dadalhin koSa bawat saya at lungkot
Sa bawat iyak at tawa
Sa bawat pait at tamis
Lagi kang kasama at walang mintisIsa lang naman ang nais kong iparating
Ang malaman mong ikaw ay mahalaga sa akin
Walang katumbas ng yaman sa mundo
Ang halaga mo sa buhay koLumipas na ang panahon.
Tumatanda na ang mga puno at nalalagas na ang mga dahon.
Sa lugar kung saan puro puti
Nanghihina mong ngiti ang namumutawiSa oras na ako'y nagpaalam
May kakaiba na akong naramdaman
Puso ko'y tila huminto
At ayaw umalis sa pagkakatayoSabi ko may mali.
Ngunit dapat munang isantabi
Umuwi ng tulala
Hanggang sa sumapit ang umagaGinising ng balita
Ikaw ay tuluyan ng nawala
Iniwan mo na pala kami
Punong-puno ako ng pagsisisiHindi man lang ako nakapag paalam
Masabi ko man lang sana sayo kung gaano ka namin kamahal
Araw-araw parin kitang naaala
Nangungulila sa isang amaMahal na mahal kita Tay.
Pagsisikapan kong magtagumpay sa buhay
Hindi man kita kasama sa pagkamit nito
Ngunit alam kong pinapanood mo lng ako kahit ika'y nasa malayo
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryJust a random poem specially made by ME😊💕 Ang lahat po ng nakasulat dito ay pawang imahinasyon lamang. Enjoy reading😘 By yours truly, ...