Walang TAYO dahil may SIYA

194 3 0
                                    

'Pagmamahal'
Masarap maramdaman
Ngunit mahirap iparamdam.
Madaling paniwalaan
Ngunit mahirap pagkatiwalaan.

Nabuhay ako sa mundong ang pangmatagalang relasyon ay hindi totoo.
Ang salitang 'Mahal Kita' ay puno ng sakit at pangloloko.

Ngayong nasa tamang edad na,
Ako daw ay napagiiwanan na.
Pakielam ko ba sa kanila??
Wala namang forever, diba?!

Oh? Sasabihan niyo na kong bitter?
Eh kung kayo kaya ang nasa posisyon ko para mas better.
Maniniwala pa ba ko sa salitang 'Pagmamahal' kung ang sarili kong ina ay iniwan ako at pinagpalit sa lalake nya??
Magmamahal pa ba ako kung nakikita kong ang mga tao sa paligid ko ay nasasaktan dahil sa salitang 'Mahal kita'?

Hindi naman ako nagmamadaling maghanap ng lalake dahil sila na mismo ang lumalapit.
Hindi ako nagyayabang,
Ngunit sadyang may ipagmamayabang.
Pero isang araw naramdaman ko ang sakit.
Nalintikan na dahil hindi ko namalayan puso ko'y nahulog na.
Sabi nila 'history repeat itself' at mukhang totoo nga kasi parang bumalik ako sa nakaraan nila at naging isang dakilang TANGA!

Tanga kasi umibig sa taong hindi ka kayang mahalin!
Tanga kasi naniwalang baka iba ka sa istorya nila!
Ang laki kong tanga kasi kaya kong tiisin,
Tiisin ung sakit sa bawat pagbalewala niya.

Naging matapang ako.
Sumubok akong magmahal pero bigo.
Nabigo ako kasi maling tao ang minahal ko.
Minahal ko ung taong may iba ng gusto.

Ung taong pagmamay-ari na ng iba.
Ung taong kahit nasasaktan ka na minamahal mo pa.
May sumpa ba ako?
Nasobrahan ba ko sa pagiging maldita kaya ako nabigo?

Tutal nabigo na ko kailangan ko na daw sumuko.
Pero bakit ganon?
Ang hirap pala,hindi ko kaya kasi mahal na mahal na kita!
May pag-asa pa naman diba?

Sabi mo M.U. palang naman kayo.
Kaya pa yan.
Hindi kasi ako madaling sumuko.
Magmukha na kong maharot, haliparot basta para sayo, lalaban ako.

Lalaban ako kahit walang kasiguraduhan.
Lalaban ako kahit siya na ang lamang.
Lalaban ako kahit may nanalo na!
Lalaban ako kasi ganun ako magmahal.

Pakiuntog nga ko sa pader.
Binabangungot kasi ako.
Harap-harapan kitang nakitang kasama siya.
Sh*t! Sobrang sakit pala.

Bakit siya?
Bakit hindi pwedeng maging ako?
Binalewala ko sila para sayo.
Eto ba ung karma ko?
Karma sa lahat ng tinaboy kong lalake kasi ikaw ang gusto ko.
Ito ba yon?
Bakit parang sobra naman?
Hindi patas.

Ayoko na.
Nakakapagod na.
Masakit na kasi eh.
Sobrang sakit na!
Sa sobrang sakit hindi ko na napigilang lapitan ka habang masaya kang kasama siya.

Lumingon kayong dalawa.
Nasa harapan niyo ang luhaang ako na nagmamakaawa.
Nagmamakaawa sa pagmamahal mo.
Wala na kong tinirang kahihiyan para lang maramdaman yang lintik na pagmamahal mo!

Sabi ko "Pwede bang akin ka nalang?"
Tinulak mo ko at sinabihan ng masasakit na salita.
Galit na galit ka kasi kayo na pala.
Gigil na gigil ang paghawak mo sa mga braso ko.
Mga tingin mong dating puno ng saya ngayon parang papatay ka na.
Lumapit ako't binulong sayo
Ang mga katagang magpapalaya sa puso ko

"Patayin mo nalang ako,
Tutal patay naman na tong puso ko ng dahil sayo.
Sana maging masaya ka sa kanya,
Dahil hindi na kita kayang pasayahin tulad ng dati kong ginagawa."

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon