Groupmate

191 4 0
                                    

Una palang kitang nakita
Atensyon ko'y napukaw mo na
Sabi ko hindi ka naman gwapo
Pero bakit maraming nagkakandarapa sayo?

Paningin ko'y di na maalis sa itsura mo
Na puno ng lamig at misteryoso
Mga matang kapag ikaw ay natapunan
Paniguradong ika'y panghihinaan

Hindi ko pinansin ang mga negatibong bagay tungkol sayo
Pagkat para sakin ay bagay tayo
Hilig mong mapag-isa tulad ko
Ngunit pareho tayong nais mapansin kahit papaano

Hanggang sa tuluyan na ngang nahulog ang damdamin ko sayo
Akala ko ay nais mong masalo
Ngunit yun pala ay traydor ka
Nilaglag mo ko hanggang sa masadlak sa lupa!

Para saan nga ba?
Sa ikakasira ko upang umangat ka?
Ganyan ka pala!
Nagtatago ang baho ng ugali sa maamo mong mukha

Nararamdaman kong paghanga
Ay tuluyan ng nawala.
Oo masakit kasi akala ko ikaw na.
Lintik na yan! Manggagamit ka pala.

Ngayong puno ng pagkainis ang nararamdaman sayo
Bigla ka naman naging maamo.
Ano na naman bang trip 'to?
Kasi nalilito na ko.

Sabi nila destiny tayong dalawa
Dahil sa limang asignatura ay ikaw ang laging kasama
Ngunit para sa akin ay para akong isinumpa
Oh tadhana, nananadya ka ba?

Mga tinginan mo sakin ay nagbago
Parang laging sinusuyo ang puso kong nabato
Pwede bang wag mo ng ituloy ang mga pahiwatig mo
Kasi ayoko ng mahulog sa tulad mong mukhang maamo

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Hindi ko po alam kung may pinatunguhan ba o wala itong tula😅pagpasensyahan nyo nalang po.

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon