~Nais kong maulit,
Ang awit ni Inang mahal..
Awit ng pag-ibig,
Habang ako'y nasa duyan..~Labing-isang taon.
Labing-isang taon mula nung kaming iyong iniwan,
Nung AKO'y iyong INIWAN.
Muli kitang nakita at naka-usap na tila parang wala lng.
Pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak.Bakit hanggang ngayon masakit parin?
Sobrang sakit..
dito oh, sa puso ko..
Sakit kung bakit siya ang pinili mo at hindi ako.Bakit hanggang ngayon nalilito parin ako?
Hindi maintindihan ng isip ko..
Hindi maproseso ng utak ko kung bakit ka lumayo..
Ano bang meron siya at mahal na mahal mo?Sa sobrang pagmamahal mo iniwan mo lang ako..
Iniwan mo ako kahit kailangan ko ng isang tulad mo..
Yung pag-aaruga,
Yung alaga ng isang ina..Ngayong alasingko ng umaga, aking binubuhos ang damdamin ko,
Sa pamamagitan ng tulang ito..
Lahat ng sakit at pagkalito dahil sa pang-iiwan mo..
Tinitipa ng aking mga daliri ang bawa salita habang ang aking mata'patuloy na lumuluha..Mali bang makaramdam ng galit?
Ng tampo o hinanakit para sayo?
Kasi sobrang bigat na ng puso ko,,
Hindi ko alam kung kanino mailalabas ang sama ng loob ko..
Ayoko na..
Pagod na pagod na kong lumuha
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
PoetryJust a random poem specially made by ME😊💕 Ang lahat po ng nakasulat dito ay pawang imahinasyon lamang. Enjoy reading😘 By yours truly, ...