Shots

69 0 0
                                    

Isang lagok sa baso ng alak
Kwartong napuno ng halakhak
Paligid ay unti unting umiikot
Pagitan sating dalawa'y naglaho

Nadala sa init ng katawan
Isang gabing pinagsaluhan
Punong puno ng pagkasabik
Damang dama ko sa iyong paghalik

Aking di pinagsisisihan
Ang unang halik na aking natikman
Walang tayo
Pero sa gabing ito merong ikaw at ako

Ikaw, na humahaplos sa aking katawan
Ikaw, na pinapadama saking ako'y mahalaga
Ikaw, na nagbibigay ng matatamis na salita
At ikaw.. akala ko ikaw na

Heto ako..na nagpadala sa bawat haplos mo
Ako, na nagAkalang mahalaga para sayo
Ako, na nagpaUto sayo
At ako.. ako na umasang magugustuhan mo

Umasa ako na merong tayo,
Na hindi lng ikaw at ako
Hindi ka naman nagAbiso
Laro lng pala ito para sayo

Sana'y mapatawad mo
Dahil hindi ko nasunod ang kaisa isang patakaran sa larong ito
Hindi ko napigilan ang puso ko
Tuluyan na ngang nahulog sayo

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon