Di na kailangan ng Prologue. Diary nga di ba?
Kaya ito na lang ang Author's Note.Wala talaga akong balak i post ito dito sa wattpad. Matagal ng nakatingga ito sa aking website. Mas nauna ko itong isulat kaysa sa Tears of Angel. Hanggang sa nakalimutan ko na. Kaso kanina bumisita ako sa website ko at nagbasa ng comments. Madaming gustong ituloy ko 2. Mga dalawa sila siguro. Heheheh. Joke lang. Tapos may nagcomment din dito na sana daw ipost ko ito dito. Kaya sige pagbibigyan ko kayo.
Ang istoryang ito ay kakaiba sa lahat ng mga naisusulat ko. Ito ay nakasulat na parang diary at hindi Chapters ang bawat update kundi entries. Ito ay sulat ni Jeannie Paolo Zamora, na kapatid ni JOanne Phoebe Zamora (Wanted: Babymaker) at Johann Phoebus Zamora (Tears of Angel).
Maaring nagtataka siguro kayo kung bakit biglang nagpakasal itong si Paolo (based on Wnated:Babymaker). Dito niyo malalaman ang dahilan. Ito ang kanyang diary. Ang diary na walang draft. Kasi lahat ng updates ay diretso kong ipopost dito.
Pagkatapos ng mga entry may mga katanungan itong si Paolo. Maaari lamang pong magcomment kayo kasi yun ang magiging basis ni Paolo sa kanyang mga gagawin.