Entry #12

39.7K 904 146
                                    

Entry #12

Dear Diary,

‘Hell hath no fury than a woman scorned.’-William Congreve

 Hindi ko inakala na nang gabing yun ko mararanasan ang quote na yan. Grabe dear diary! Sinasabi ko sayo, grabe ang galit ni Anya sa akin.  Kung pwede pa lang na I massacre niya ako siguro nagawa na niya. Magpasalamat tayo kay Papa (naks nakiki-papa na) na andun siya kaya napigilan ang pagmassacre sa akin lalong lalo na ang pagputol ng aking kaligayahan.

Pero na delay lang pala ng kunti ang galit niya dear diary kasi pagkalabas na pagkalabas namin sa bahay ng Papa niya mag asawang sampal ang sumalubong sa akin. It sting dear diary. Whew!

Pero naintindihan ko siya at ang galit niya. Para nga namang pinikot ko siya with consent. Kung ako din gagawan ng ginawa ko kay Anya magwawala din ako pero sabi nga ulit ni William Congreve,

‘If this be not love, it is madness, and then it is pardonable.’

Na sinang ayunan din naman ni Anya kasi pagkatapos niya akong sampalin sinabihan niya akong baliw. Siguro nagbasa din siya ng mga libro ni William. Compatible talaga kami ni Anya parehas kami ng interest. Hehehe.

Pagkatapos niya akong sinabihang baliw, ilang beses din niyang sinigaw ang ‘I hate you’ pero hindi ako naniniwala dyan dear diary kasi nga sabi ulit ni William Congreve,

‘You are a woman: you must never speak what you think; your words must contradict your thoughts, but your actions may contradict your words.‘

Alam mo naman na fickle minded ang mga babae dear diary di ba? Papalit palit sila ng isip kaya pag nagpalit na ang isip ni Anya isipin mo na lang kung ano ang paulit ulit niyang sasabihin sa akin.

^____________________________________________________^

Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

At isa pa dear diary naramdaman ko sa pag uusap namin ni Papa na gusto niya ako para sa anak niya. Kaya naman, kung nagawang kung i-Charm ang ama, walang rason para hindi ko yun magawa sa anak. Oha!

Nagpapasalamat din ako sa kay Papa nung tinanong niya kung kelan daw ba manganganak si Anya. Excited na siyang magkaapo dear diary. Ibig sabihin magdadalawang isip si Anya kung puputulan niya ako kasi kung gagawin niya yun, di siya mag kakaanak at di magkakaapo si Papa. Ibig sabihin din nun, kailangan na naming magdoublt time.

Kailangan ko na bang mag gym dear diary para lumakas ang resistensiya ko?


Kailangan bang everyday, 4 times a day, 3 times or 2 times a day?

Kailangan ko din bang magbasketball para exercise?

Tuwing kelan ba akong pwedeng magbasketball dear diary?

Sa umaga, sa gabi or anytime of the day?

Pampalakas din ba ng resistensiya ang pagswimming? Specifically ang pagsisid?

Grabe napaka inosente ko talaga sa mga bagay na ganito dear diary.

Kailangan ko talaga ng advice mo pag mga ganito na kasi nawawala ako. Alam ko naman na expert ka sa mga ganitong bagay.

Last na lang pala dear diary. Masarap bang ipatikim kay Anya ang vanilla? Pwede bang araw arawin yun or kailangan iba iba ang flavor? 

Napakainosente,

Paolo

P.S: Pag eexercise po ang pinag uusapan natin dear diary. Pag eexercise!

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon