Entry #14

38K 858 85
                                    

Entry #14

Dear Diary,

Ampupu! Walang akong maisulat.  Lutang talaga ako ngayon dear diary na kahit pagsulat ng entry di ko magawa. Wala naman kasing magandang nangyari sa buhay ko. 

Yun lang. nagsulat lang ako para sabihin na wala talagang magandang nangyari sa buhay ko. Araw araw na lang kasi akong nasasaktan. Kaya tuloy araw araw akong pumapasok sa banyo. Napakahirap ng ganitong sitwasyon dear diary. Pucha! 

Habang tumatagal lalo akong nasasaktan. Bakit ko ba kasi pinasok ang ganitong buhay. Napapabuntunghininga na lang ako lalo na pag dumadaan si Anya sa harapan ko tapos maamoy ko ang maayang amoy niya at magsisimula na naman akong masaktan.  Ang sakit talaga! Pucha!

Kaya nung isang gabi nung hindi ko na nakayanan ang sakit pumunta ako sa swimming para mag night swimming.  Nakakailang lap na ako pabalik balik nung mapansin ko na may nakatingin sa akin. Nung tumingala ako, nakita ko si Anya na nanonood sa pagsuswimming ko. Nasa terrace siya.

Umahon ako tapos nagpunas at naglakad  papunta sa kanya. Nakita ko siyang nakatulala nung malapit na ako. 

Ang ganda talaga ng asawa ko dear diary lalo na at nitong nakaraan hidni na niya ako masyadong tinatarayan.

Nakalapit na ako't lahat nakatulala pa din siya. Gusto ko nang matawa pero baka magalit siya.  Tapos nung tinawag ko ang pangalan niya saka siya parang nagulat. 

Tapos nagyuko siya bigla at aalis na sana kung hindi ko lang nahawakan ang braso niya. Tapos hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinapit ko siya palapit sa akin at saka siya hinalikan. 

Nung una, nagulat siya sa ginawa ko, at sabihin ng mapagsamantala ako pero hindi ko kayang tumigil.  Nung una akala ko sasampalin niya ako pero nagulat ako nung hinalikan din niya ako. 

Medyo nagtagal ang halikan namin dear diary, at sa huli nagkatinginan kami tapos sabay na napayuko. Tapos umalis na lang siya bigla at parang nakikita ko pa na namumula siya.

Dahil sa nangyari dear diary, mas lalo akong nasaktan. nabaliwala ako ilang laps na pagsuswimming ko. At kailangan ko na talagang magcr ulit.

Medyo nabawasan ang sakit pagkalabas ko ng CR.

Kaya ito ako ngayon.... 

Lutang,

Paolo

P.S. Si BlackLily daw nabitin sa kwento. Kasalanan din naman niya. Ayaw niyang idetalye. 

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon