Entry #8

41.6K 930 154
                                    

Entry # 8

Dear Diary,

Ako’y naguguluhan talaga. Ano nga po ang meaning ng give up? Bakit ata nawala sa dictionary ko?

Parang kelan lang sinabi kong maggigive up na ako kay Anya kasi ang taray niya pero  wala pala sa bokabularyo ko ang salitang give up kasi nung tumawag siya last time ng dahil sa plano at narinig ko ang boses niya, parang nawala ang lahat ng hinagpis ko sa kanya. Hinagpis talaga! Ang lalim lang. DI ko kayang hukayin! Hahaha.

At napag isip isip ko rin, wala pa pala akong karapatang magtampo sa kanya.

Pero seriously dear diary, naggive up na talaga ako kay Anya.

Kay Johnny na lang ako. Charing!

Hehehe. Hindi ako nababakla dear diary.

Ang ibig kong sabihin dear diary gagamitin ko si Johnny para magkalapit kami ni Anya. OO na, ako na ang masama kasi aagawan ko na nga siya ng gf, gagamitin ko pa siya.

Pero hindi ako nakukunsensiya dear diary kasi one time tinanong ko si Johnny kung kelan ang plano niyang pakasalan si Anya at ang sagot ba naman sa akin ay..

“Ha?” Opo dear diary, isang napakalaking HA! Anong ibig sabihin nun? Hindi niya papakasalan siya Anya?  What the heck di ba!

Tehn came an opportunity dear diary. Kung opportunity nga bang matatawag ito. We have planned a scheme para sa ikasasaya ng bunso namin. And that includes kidnapping the guy and staged a fake marriage to let the guy believed na ikakasal na si Li’l Sis with a li’l baby in her tummy.

Hindi ko alam kung paano nahikayat ng mga baliw na kaibigan ng kapatid ko si Anya para siya ang magpanggap na bride pero siya nga dear diary at ang magpapanggap na groom ay walang iba kundi

Si Johann.

Oo hindi ako. Asa naman na papayag si Anya pag ako ang ikakasal sa kanya.  Baka biglang magback out pa siya at masira pa ang plano namin at ipanganak ang pamangkin ko na walang ama. 


So yun nga ang plano, kaso sa hindi namin alam na kadahilanan, nagback out ang kakambal ko. Alangan naman na hindi matutuloy ang kasal kasi nagback ang groom.

Kaya kahit napilitan ako dear diary, (tsk tsk tsk) nagvolunter akong maging proxy. Hehehe.

Bukas, ikakasal na kami ni Anya.

Ang tanong ko dear diary,

Totohanin ko ba ang kasal o totohanin?

Excited,

Paolo

P.S. Saan maganda maghoneymoon?

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon