Entry #19
Dear Diary,
Matagal tagal na din tayong nagsama. Alam mo ang lahat ng sekreto ko, lahat ng kalokohan ko, lahat ng pinag iisip ko at lahat ng kabaliwan ko. Lubos kitang pinagkakatiwalaan at alam kong hinding hindi mo ako ipagkakanulo at hindi mo ako iiwanan. Kulang na nga lang ikaw na lang ang asawahin ko. Pero pasensiya ka na kasi mas nauna kong nakita si Anya. Kung nagkataon lang na mas nauna kitang nakita baka ikaw ang pinikot este pinakasalan ko. Ahehe.
Pasensiya na din Dear Diary at hindi kita iningatan, nakita ka tuloy ni Anya. Nalaman tuloy niya ang sekreto nating relasyon at ngayon ay nanganganib ang ating matiwasay at tahimik na pagsasama. Lubos kong ikinalulungkot ang mga pangyayari at lubos kong pinagsisisihan ang aking kapabayaan. (Chos!)
Nakakalungkot mang isipin na malamang ito na ang magiging huling pagtatagpo natin. Dahil alam kong sa susunod na pagtatagpo natin, makikita at malalaman iyon ni Anya. At ayaw kong simulan iyon ng aming away. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal di ba? (Anya, wag ka munang kiligin, okay?)
Pero bago tayo maghiwalay Dear Diary gusto kong ibahagi sayo ang isang bagay na nalaman ko 30 minutes ago. Hindi ko gustong ipagkait ito sayo. Nalaman ko Dear Diary na....
Virgin pa pala ako!
Joke lang! Wahahahaha. (Ayan tumawa ka na. Joke nga eh!)
Ito na talaga Dear Diary, 2 hours ago, sa paghahanap ko ng Marriage contract namin ni Anya na hidni ko matandaan kong saan ko nailagay, nabuksan ko ang drawer sa isang closet namin na naglalaman na ngayon ng mga damit ni Anya. Sa pagbukas ko ng drawer may nakita akong isang notebook na pink na may hello kitty na design. Alangan namang akin yun di ba?
Na curious naman daw ako sa notebook kaya binuksan ko ito. Sa unang page pa lang na nakasulat na...
UNAUTHORIZED PERSONS KEEP OUT.
in pink ink.
Hindi ko sana babasahin Dear Diary, pero naisip ko kasi, asawa ko si Anya, at dahil mag asawa kami, what's mine is hers and what's hers is mine. In short conjugal property. Kaya sure ako na hindi ako unauthorized person. Kaya ayun I turned the second page and the first line says...
Dear Diary...
And 2 hours ago, nagsimula akong magbasa. Nasa page 10 palang ako.
At magugulat ka sa mga nabasa ko.
Hanggang dito na lang Dear Diary. Masakit man pero magpapaalam na ako sayo. Because the moment I closed this book, hindi na kita pagmamay ari. Magiging conjugal property ka na rin. WAhahahaha!
Lubos na nagpapasalamat at nagmamahal,
Paolo
P.S.:
Anya dear,
Alam kong nababasa mo ito. At tama ka, nabasa ko ang diary mo. So far, sa 10 pages na nabasa ko, I found something very interesting and intriguing. Doon pa lang pala ako sa part wherein you wrote...
'...I have this awful crush with Joanne's brother Jeannie Paolo...'
'...alam kong mali kasi may boyfriend ako pero...'
'...naglaro kami ng PS3 sa bahay nila and I find him really attractive. God! I think I'm already falling for him. And it's so wrong because...'
I now have your diary kasi hindi ko pa tapos basahin. If you want it back you have to get it from me but first we've got to have that talk you've been asking. But I must insist that we must only talk about two things.
One: We could discuss the contents of our diary (Which I think is unnecessary but if you insist, then, fine.)
And the second and most important is:
Your Acceptance to my marriage proposal.
Love,
Paolo.
P.S.S. Dear Diary, sa tingin ko hindi ako matutulog sa labas ng kwarto mamaya. What do you think? ^__^