Entry #17
Dear Diary,
Hahahahaha! Di ko akalain dear diary na mapagbiro ka pala. At nakakatuwa na nagrereply ka na ngayon at mas lalong nakakatuwa kasi ang lakas pala ng sense of humor mo. Akalain mo bang muntik mo na akong mapaniwala na ikaw talaga si Anya. Hahaha!
For a split second, kinabahan ako dear diary. Pero for a split second lang naman. Akala ko talaga mabubuko na ako. Whew! Buti na lang joke lang ito. Kasi impossible namang makita ka ni Anya eh nakalagay ka sa ilalim ng mattress ng kama namin. Ang kapal kapal ng mattress kaya impossibleng maramdaman ka niya. Ikaw talaga dear diary kung makapag joke, wagas! You almost got me there! Almost! Hehehe.
Pero alam ko naman na kaya mo ginawa yun kasi miss mo na ang pagsusulat at ang pagkkwento ko. Kaya magkukwento na ako sa mga nangyari these past few days. Medyo kasi naging busy ako.
Anyway, kinausap ko si Johnny para matapos na ang mga hadlang sa pagmamahalan namin ni Anya. Nung una kaming nagkita, galit na galit siya sa akin kasi nga sinulot ko si Anya. Susuntukin niya sana ako kasi traidor daw akong kaibigan. Oo na! Sinulot ko na ang girlfriend niya. Oo na, pinlano ko ng agawin si Anya sa kanya. Oo na niloko ko na siya. Pero hindi lang naman ako ang nagtraidor, hindi lang naman ako ang nanloko.
Kung makapagsalita siya, akala mo isa siyang dakila, isa siyang bayani at isang ideal boyfriend. Pero kung naloko niya si Anya, ako hindi niya maloloko. Dahil walang matinong boyfriend ang magkakaroon ng sangkatutak na discount card sa kanyang wallet gayong ang kanyang girlfriend ay isang virgin. Nagsasuggest pa siya dati ng motel na may magandang room at facility sa amin na para bang napasukan na niya ang lahat ng motel sa Metro Manila. Kung hindi si Anya ang dinadala niya doon, alangan naman matulog siya doon mag isa.
Kaya ayun, bago niya ako nasuntok, naunahan ko na siya. Pero nasuntok din niya ako, hindi nga lang ako nasapol. Hindi ko hahayaang masuntok niya ang mukha ko, ang pogi ko kaya!
So, yun ang nangyari. Hidni ko muna sinabi kay Anya na nakausap ko si Johnny kasi sabi niya siya daw ang kakausap. Para namang papayag ako na makipagkita siya doon.
Sa susunod dear diary, wag ka ng magbiro ng ganun ha. Kung namimiss mo ako sabihin mo lang.
Hastalavista baby!
Paolo
P.S. Paano nga kaya kung mabasa ni Anya ang diary ko? Mabubuhay pa kaya ako sa mga susunod na araw?