Entry #11

39K 918 121
                                    

Entry #11

Dear Diary,

Kawawa ang author, na block ang wattpad sa office nila. Di na tuloy siya makapagwattpad pag office hours. Poor her. Wahahaha!

Anyway, back to reality. Siyempre sinagot ko ang tawag ng asawa ko. Nakaktakot naman kung di ko sasagutin.  Pero hindi pa nga ako naghehello sigaw niya agad ang narinig ko.

“Anong ibig mong sabihin na totoo ang kasal natin?” Swear dear diary, halos mabingi ako! Kulang na lang sumabog ang cellphone sa tenga ko. Wew!

“Anya…” Yan lang ang nakuha kong sabihin. Hindi sa natatakot ako kundi hindi pa ako tapos magsalita, sumigaw na naman siya.

“Mag usap tayo! Magkita tayo ngayon.” Sa totoo lang hindia ko sanay na inuutusan maliban lang sa mga kapatid kong suwail pero parang madadagdagan ang mga taong may guts mag utos  sa akin.

“10PM na Anya….”

“WALA AKONG PAKIALAM!!!” Sinabi na niya ang name ng resto na pupuntahan namin. Tsss… nakakatakot siya pero pag naiimagine ko ang itsura niya habang nagagalit, siguro dear diary ang cute cute niya.

Obvious na obvious na atat siyang makipag usap sa akin kasi nauna siya sa restaurant. At hindi pa nga nakakalapat ng pwet ko sa upuan dear diary  nagsalita na agad siya.

“Sabihin mo sa akin na biro lang ang lahat.” Sabi niya habang nanlilisik ang mga mata at nakakuyom ang kamay.

“Biro lang ang lahat.” Biglang umaliwalas ang mukha niya at feeling ko nakahinga siya ng maluwag.

“Talaga! Akala ko talaga totoo. Ang loko mo talaga Pao.” Nakangiti pa siya habang sinasabi niya yun. Ako hindi ako nakangiti.

“I already told you it was real.” Biglang nawala ulit ang ngiti sa labi niya. Patay na talaga.

“Pero sinabi mong biro lang ang lahat.” Alam kong naguguluhan na siya dear diary. Ako nga din naguguluhan na din. Ikaw ba hindi?

“Kasi sinabi mong sabihin ko yun.” Naningkit ulit ang mata niya tapos namula ang buong mukha niya. Kung wala kami sa restaurant baka pinatay na niya ako o kaya inilibing ng buhay. Salamat sa nag imbento ng restaurant dear diary.

“How dare you…”

“Anya?” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dear diary kasi may tumawag sa kanyang lalaki na sa tingin ko na 40’s na.

“Papa!” Biglang napatayo si Anya at tumingin sa lalaki na sa tingin ko ay ama niya kasi magkamukha sila.

Napatingin sa aming dalawa ang lalaki.  I saw Anya clenching the table cloth.

“Hindi mo ba ako ipakikilala sa kasama mo Anya?” Sabi nung lalaki.

“Papa…” Halatang ninenerbiyos si Anya. Tumayo ako at pumunta sa pwesto nung lalaki.

“Sir, I’m Jeannie Paolo Zamora, Anya’s husband.” Tapos kinamayan ko ang ama ni Anya pero habang nagkakamay kami nakikita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi ko tiningnan si Anya kasi baka bigla na alng akong mamatay dito.

“Nagpakasal ka ng hindi ko nalalaman Anya Grace?” Ang sama ng tingin ng Papa ni Anya sa kanya tapos ang sama ng tingin ni Anya sa akin alangan naman na titingnan ko din ng masama ang Papa niya para amanos. Siempre di ko ginawa yun.

“Papa…”

“Sir, pasensiya na po kung madalian ang pagpapakasal namin kasi buntis si Anya at kailangan ko siyang panagutan.” Narinig ko ang pagsinghap ni Anya. Bahala na dear diary kung paano ko haharapin si Anya  pero naisip ko kasi na ito na ang pagkakataon ko.

“Sumunod kayo sa akin, mag uusap tayo.” Tapos naglakad na ang ama niya palabas ng resto. Sumunod naman kami.

Pero lumapit si Anya sa akin at may ibinulong…

“Mapuputulan  kita Paolo!”

Katapusan ko na ba dear diary? Hindi ba pwedeng patayin na algn niya ako?

Anticipating the pain,

Paolo

P.S. As I have predicted. Ang cute ni Anya pag nagagalit. 

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon