Entry #6
'Pwede ba! Tigilan mo ako! Alam mo naman na may boyfriend na ako at kaibigan mo ang boyfriend ko kaya tumigil ka na. Di kita gusto!'
Yan ang unang text na nareceive ko sa kanya pagkatapos ng dinner namin dear diary. Nung nakita ko na may message siya, natuwa pa ako kasi first time na siya ang unang nagtext sa akin pero parang nanghina ako nung mabasa ko ang message.
Ito na ba ang sinasabi nilang basted? Ni hindi pa ako nabasted buong buhay ko. Ngayon lang dear diary. Masakit pala. Takte lang. Bakit kasi mas naunang nakita ni Johnny si Anya?
Kung wala ba siyang bf may chance kaya ako sa kanya? Pakness lang dear diary pero pinanghihinaan na ako ng loob.
bakit ba kasi ako nainlove sa may sabit? Hindi ko naman pangarap ang maging kabit. At ang mahirap pa ang tibay ng kapit ni Anya kay Johnny.
Paano ko siya susulutin kong ayaw niyang magpasulot. Tangna lang. Hindi pa ako nagkaroon ng ganitong problema ng dahil lang sa babae. Pwede bang maghanap na lang ako ng iba? Madami namang nag aapply eh. Ang hirap kasi ng sitwasyon na binigay sa akin.
Takte! Gusto ko na talagang patayin si Johnny para wala nang sagabal. Kung hindi lang kasalanan.
Pero sabi nga nila, kung saan ka pa nawawalan ng pag asa may ray of hope na darating sa buhay mo at sa pagkakataon na to, dumating sa katauhan ni Joanne na kahit brokenhearted ng dahil kay JC ay nagawa pang mag advice sa akin. Although hindi naman advice na matatawag yun. parang nagparinig lang siya. At dahil likas na matalino ako, nagets ko kaagad ang sinasabi niya.
"Pagawa ka ng plano sa kompanya namin." Yun lang ang sinabi niya dear diary pero parang bombilya na may umilaw sa isip ko.
The next day, pumunta ako sa opisina nila at kinausap kung sino man ang dapat kong kausapin. Nagpagawa nga ako ng plano ng bahay pero may special request.
"Gusto kong si Architect Anya Larrazabal ang gagawa ng plano."
Magastos na kung magastos.
Desperado na kung desperado.
Pero para sa future ng mga anak ko to.