Entry #5

50.4K 944 123
                                    

Entry#5

Dear Diary,

Normal lang sa isang tao ang macurious, kaya naman sinundan ko sina Anya at Johnny sa pupuntahan nila. Siyempre curious ako sa pupuntahan nila. Curious ako kung saan ba nakukuha ni Johnny ang mga discount cards niya. Curious lang talaga ako dear diary. Wag mong ipagkamaling stalker nila ako. Paminsan minsan hindi masama ang maging curious. Ang author nga dear diary, 'curiosity' is her second name daw. Therefore I conclude na hindi maging masama ang maging curious.

Normal lang din sa isang tao ang magkamali, kasi nagkamali ako dear diary. Hindi naman pala sila papunta sa kinukuhanan ni Johnny ng discount card. Pumunta sila sa isang kainan. May dinner date pala sila dear diary. Tsk tsk.

Normal din dear diary na paminsan minsan makakaisip ka ng kasamaan sa ibang tao. Kasalanan man dear diary kasi sabi nga sa bible, do not think ill of your brother, pero hindi ko naman po brother si Johnny dear diary, kaibigan ko po siya. AT magiging ex friend na. Kaya hindi kasalanan na makaisip akong sana mamatay na lang siya nung bumaba sila ng kotse at lumanding ang kamay niya sa balikat ni Anya. Kaya hindi ako naguilty nung naisip kong sana mamatay na siya. 

AT lalong normal lang sa isang tao ang magutom dear diary. Kasi akalain mo yun. Pagkapasok na pagkapasok nila sa restaurant, akalain mo ba namang magutom ako bigla. At dahil nga nagutom ako at parang mamamatay na ako pag hindi ako nakakakain kaagad, pumasok din ako sa resto na pinasukan nila. Ang romantic pala ng ambience, nakakaganang kumain.

Isa sa mga itinuro ng mga magulang namin dear diary ang maging friendly at wag maging snob. Kaya naman dahil alam ko naman na doon din kakain sina Johnny at Anya, hinanap ko kaagad  sla at nilapitan sa table nila.

Siempre binati ko muna si Johnny at nagkunyari akong di ko alam na doon din sila kakain. Wala namang masama di ba dear diary? Nagiging friendly lang talaga ako. Ika nga, No man is an island at kailangan ng isang tao ang socialization. 

At mukhang nagulat pa talaga si Johnny na andun ako dear diary. ANg totoo niyan, tinanong pa niya ako kung may kasama ako. Siempre, sinabi ko ang totoo na wala. At tinanong ko din kung pwede ba akong mag join sa kanila. Kung di lang  naman nakakaistorbo. At okay  lang naman daw kaya sumama na akong kumain sa kanila. In fact, hati pa nga kami n Johnny sa bill. Mukhang tuwang tuwa naman si Johnny na kasama ako sa dinner nila dear diary. Nakatipid nga naman siya. 

Pero nung nagpaalam si Johnny na mag C-CR dear diary, tiningnan ako ni Anya. pakshet lang, pero nakakatunaw siya tumingin. Tapos biglang naningkit ang cute niyang mga mata. tapos sinab niyang...

"Nang aasar ka ba?" 

Sa totoo lang dear diary nagulat ako. Pero hindi ako nagpahalata. Ngumiti lang ako sa kanya at sinagot siya..

"Hindi ah, kumakain lang naman ako ah!" 

Halos tumawa ako nung umismid siya. Sa totoo lang dear diary, ngayon lang ako nakcutan sa babaeng nakaismid. 

Sayang nga at biglang dumating si Johnny. Mas mahaba pa sana ang usapan namin. Dakilang istorbo at epal talaga si Johnny. 

Pero may tanong lang ako dear diary,

Normal lang din siguro na pandilatan ako ni Anya ng mata, sa buong oras na kumakain kami di ba??

At dear diary, di ba normal lang naman na ijustify mo ang mga actions mo?

Isang normal na tao,

Paolo

PS: Wala ngayong PS kasi easter sunday. Joke lang! Nagmamadali kasi ang author. Maglalaro pa ng HON. 

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon