Chapter 11: Project

189 12 0
                                    

Sofia PoV

Haaay.... Buti na lang nakaabot pa ako sa klase... "Bat ka tumakbo kanina?" Tanong ni Carl, wala...., at dumating na ang Prof namin. "Okay class may project kayo siguro dala-dalawa lang, amm Carl ikaw sinong gusto mong maka-partner?" Tanong ni Prof, sana huwag ako maarte ang lalaking to.... "Ammm si Sofia po." Sagot ni Carl, ano!!! Teka bat ako, sigaw ko at napatayo pa ako, tapos biglang sumabat yung mga chizmosa, "ang arte mo naman pasalamat ka ikaw ang pinili niya eh," wika nung kaklase ko, grrr... Pake mo, eh ayaw ko eh, "ano Sofia?, agree or disagree?" Tanong ni Prof, grrrr.... Oo na oo na no choise naman eh!! Sagot ko, at hanggang sa nakauwi na kami, "uy Sofie ikaw na muna bumili ng mga gamit na gagamitin natin, may pinapagawa kasi si mama sa akin, ibibigay ko na lang yung address namin." Wika ni Carl, okay, at ibinigay ni Carl yung address at bumili na ako ng gamit. Medyo may kahirapan kasi yung project namin at gusto ng Prof namin na two days lang namin pwedeng gawin.

Kinabukasan....

Mama alis na po ako!! "Mag-ingat ka anak," sigaw ni mama, opo, at umalis na ako sa bahay at hinanap ang bahay nina Carl, hanggang sa makita ko. Grabe eh hindi nato bahay eh, mansyon na to, pipindutin ko na sana yung doorbell kaso mabigat ang dala ko. Hanggang sa dumating yung kasambahay nina Carl, "miss anong kailang niyo?," tanong nung kasambahay, amm si Carl po?,  "ah nandito siguro ikaw yung hinihintay niya, bilisan mo galit na si young master, teka girlfriend ka ba niya?" Tanong nung kasambahay, naku  hindi po classmate niya lang ako, "ah ganon ba?, halika pasok ka, young master nandito na po ang hinihintay niyo." Sigaw nung kasambahay, grabe ang laki..... May mamahaling vase at paint..... "Hoy Sofie bat ang tagal mo?" Galit na tanong ni Carl, eh wala ka namang sinabi anong oras, syempre pupunta ako kapag wala akong ginagawa, teka bahay niyo ba to o bahay ng papa mo? Tanong ko sa kanya tapos tiningnan ako ng tiger look ni Carl. Ah ang ibig kong sabihin minana mo? Phew.... Nakalusot ako dun ah "haaaay sa amin to, may sarili kaming mall at yun ang bumubuhay sa amin ni mama, kaya namin mabuhay kahit wala ang papa ko," ah.... Oo na lang, pero bago tayo mag-usap tulungan mo ko dito ang bigat ng dala ko eh, reklamo ko, "hali ka dun tayo" wika ni Carl at kinuha ni Carl yung mga gamit.

At nag-umpisa na kaming gumawa, "teka may gunting ba diyan?" Tanong ni Carl, wala, syempre sayo na yun, alang-alang naman dalhin ko pa gunting namin dito, sagot ko sabay ikot ang mata, "baka nakakalimutan mo, sabi ko bilhin mo na ang lahat ng kailangan natin, mga gamit!!, engot!!!" Hmm may binigay ka? Atsaka wala ba kayong gunting? "Ahahaha ganito kalaking bahay napagawa namin tapos gunting di namin kayang bilhin, tsk walang utak" sigaw ni Carl, tche!!! Tapos biglang dumating yung kasambahay nina Carl, "haaay ano ba kayong dalawa para kayong aso't pusa, nag-aaway lang dahil sa gunting, Carl kunin mo na yung gunting doon," wika nung isa pang kasambahay, at kumuha si Carl ng gunting.

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon