Chapter 19: Shy Shy Shy

165 6 0
                                    

At natapos na yung tour at nakauwi na kami.

Kinabukasan....

Walang pasok bgayon kahit na Monday, bukas pa lang kami papasok. Kaya gumising ako ng maaga at ipinagluto si mama at nagjogging ako. Nung nagja-jogging ako may nakita akong aso at mukang may nagmamayari, pagkatapos lumapit sa akin ang aso at linalambing ako.

"Hi, saan ka nakatira? Hahatid kita" kinausap ko yung aso na parang naiintindihan ako

Pagkatapos kinuha ko yung chain na nakatali sa kanya at naglakad kaming dalawa, medyo malayo-layo na yung linalakaran nami at sa tingin ko ay nawawala na kami. Tapos may sumigaw.

"HeiHei!!" Sigaw nang di ko kakilalang lalaki, at bigla na lang tumakbo yung aso

"Teka san tayo pupunta?!!" -ako

Pagkatapos nun yinakap nung aso yung nagmamayari sa kanya

"HeiHei..." Wika nung lalaki, at nakita kong si Carl pala ito. Ang gwapo niya sa suot niya, naka panjama siya na kulay brown na medyo maliwag sa kanya sa ibaba at naka sando na kulay white.

"Carl?" -ako

"O ikaw pala Sofie, so ikaw ang nakakita sa kanya? Salamat dahil naibalik sakin si HeiHei" wika ni Carl habang nakatingin sa aso at pinaglalaruan ito

"Ah o sige mauna nako" at nauna na ko ang akala ko ay may sasabihin man lang siya, pero hinayaan niya lang ako umalis.

Carl PoV

Pagkagising ko sa umaga naisipan ko na magjogging ako kasama si HeiHei kaya snuot ko lang ang sapatos ko at bumaba na ako.

"HeiHei let's go jogging?" Kinakausap ko yung aso na parang naiintindihan niya

At linagyan ko siya ng chain para hawak hawak ko habang nagja-jogging ako, nung sasara ko na yung gate namin may nakitang pusa si HeiHei at hinabol niya ito, mabilis silang tumakbo pero hinabol ko pa rin sila, hanggang di ko na nakita si HeiHei

"HeiHei!!" Sigaw ko

"HeiHei!!"

"HeiHei!!" Mas linakasan ko pang sigaw

At naririnig ko na si HeiHei tapos lumapit ako at nakita ko na hawak hawak ni Sofie si HeiHei, medyo nahihiya ako sa suot ko kaya di ko siya magawang tignan

"Carl?" Wika ni sofie

"O ikaw pala Sofie so ikaw ang nakakita sa kanya, salamat dahil naibalik sakin si HeiHei" wika ko ng nakatingin kay HeiHei at pinaglalaruan ito

"Ah o sige mauna nako" wika ni Sofie at wala na kong sinabi dahil talagang nahihiya ako

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon