Chapter 57: I will always love you

147 4 0
                                    

Carl's PoV


Naglalakad kami ni Sofie at ihahatid ko siya baka kung anong mangyari sa kanya.

"Oo nga pala wifey yung teddy bear na nakuha natin, sa akin yung babae sayo yung lalaki pero bago mo ibigay yung babae, bigyan mo siya ng pangalan at kiss mo muna" saad ko

At tumango siya.   "Ang pangalan mo ay... Tiffany" wika niya at kiniss ito

"Ang pangalan mo naman ay Garniel" sambit ko at kiniss ang teddy bear

Nagpalitan na kami ag nagkiss kami sa lips, saglit lang naman ehh.


"Tumingin saking mata, magtapat ng nadarama!" Kanta ni Sofie pero pabulong lang kaya hindi ko masyadong marinig



"Di gusto ika'y mawala, dahil.." Tuloy ko naman


"Handa akong ibigin ka.." Kanta naming dalawa. "Kung maging tayo sayo lang ang puso ko"

At kiniss niya ako sa cheeks, tuwang- tuwa naman ako

Hanggang nasa bahay na nila kami.


"O pano wifey aalis na ako, bye!" Saad ko at kiniss ko muna siya sa cheeks

Pagkauwi ko ay nakita ko si Angela at mama na nag-uusap, hindi ko alam pero parang ayaw ni mama si Sofie hindi ko ri alam kung bakit


"Carl san ka pumunta?? May bagay ka bang gustong sabihin sa akin??" Tanong ni mama sa akin

"Ah opo. Ako po at si Sofie ay with relationship na! At nagdate po kami ngayon" at yinakap ko si mama


"Carl..... Seryoso ako anak, stay away from Sofie" at umalis na si mama


Sabi ko na nga ba ehh... At tiningnan ko ng masama si Angela


"Alam kong may sinabi kay mama" sambit ko


"Wala! Ang mama mo ang may sinabi" saad naman niya


At tiningnan ko naman siya ng nalilito

"Dahil ang mama ni Sofie ang dahilan kung bat naghiwalay ang mama at papa mo, haaay may nangyari lang naman sa kanila at pasalamat ka walang naging bunga" wika niya


Galit na galit ako....


Oo galit na galit ako kay papa ng iniwan niya kami pero mahal ko si Sofie, mahal na mahal ko si Sofie, wala pa ngang isang linggo ang relationship namin.


Kinabukasan.....


Pumasok ako sa school at nakita ko si Sofie

"Hubby!" Tawag niya at kiniss niya ako sa cheeks

"Morning wifey.." At kiniss ko rin siya sa cheeks

"O bat nakasimangot ka?? May problema ba??" Tanong niya

At ngumiti ako ng peke. "Wala wifey namiss lang kita" at kiniss ko siya sa ilong

"Ano ba kayo, nasaschool!!" Sigaw ng isa kong barkada

At ngumiti lang kami ni Sofie.


Diba ang tanga mo naman kung hihiwalayan mo ang babaeng ganito.



Dumaan si Angela at ngumiti siya kay Sofie


"Good morning love birds~" bati niya sa amin


At tiningnan niya ako at ngumisi. Sarap sampalin ng mukha niya pasalamat siya lalaki ako.


Pumasok na kami ni Sofie sa room at nagstart na ang class. Syempre dapat makinig.


Tiningnan ko si Sofie, seryoso siya sa ginagawa niya ang cute niya kaya hindi ko namalayan na nakasmile na pala ako.

Pagkatapos ay tiningnan niya ako at kinindatan ko siya. Tuwang tuwa siya at tumawa naman ako.

Pagkatapos ng klase ay lunch time na. Lumabas kami ni Sofie at pumunta sa canteen

"Buti di ako nalusaw sa titig mo kanina hubby" sambit ni Sofie sabay tawa


"Kasi ayaw ko pan mawala ka wifey" wika ko naman at kiniss siya sa cheeks.

Nakikita ko naman na nakatingin sa amin si Angela, na masama ang tingin, hindi ko na lang siya pinansin.


Pagpunta namin sa canteen ay ang daming nakapila.

"Hubby parang tinatamad ako dito" saad ni Sofie sa bay pout

Ginulo ko ang buhok niya.  "Tara sa rooftop na lang tayo, tahimik dun" at kinuha ko ang kamay niya at pumunta sa rooftop


-rooftop-

Umupo kami doon at kinuha ko ang sandwich na ginawa ni manang at kinain namin.


"Sarap naman!" Sigaw ni Sofie na may laman pa ang bunganga niya.

Ngumiti naman ako at tumingin sa langit

"Hubby, pano kapag naghiwalay tayo??" Tanong sa akin ni Sofie

"Hindi tayo maghihiwalay wifey" saad ko

"Paano lang naman!" Sigaw ni Sofie

"Edi maghiwalay, pero huwag mong aasahan na titigil na ako sa pagmamahal sayo because I will always love you..."

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon