Chapter 63: Last??

162 3 0
                                    

Carl's PoV


Hindi rin talaga mapigilan ang bunganga ni papa no?? Eto namang si mama todo support pa kay Angela, kinakabahan tuloy ako.


Sofia's PoV

"Carl and Angela..."

Hindi ko alam pero parang gustong matulog ng tenga ko, parang ayaw na niyang makinig!!


"Ma!!!" Sigaw ni Carl

Paran may tinatago sila saken


"We arranged marriage Angela and Carl, and magpapakasal sila kapag nakatapos na!" Sigaw ng mama ni Carl


Para namang sinuntok tong puso ko. Nasasaktan tuloy ako.. Gustong magluha ng mga mata ko pero ayaw ko. Gusto ng umalis ng utak ko pero di ako makatayo. Gusto kong sampalin si Carl at Angela pero masyadong malinis ang kamay ko.


Nagagalit ako pero ayaw ko namang ipakita, nakakahiya naman. Mas naiinis ako sa mga ngisi nitong si Angela, sarap sampalin ehh.


"Well, I'm so excited. Gusto ko sanang gawing ninang si Sofie" saad pa ni Angela

Tingnan mo, kulang na lang ipapalamon na niya ang mga salitang binibigkas niya.


"Sofie may problema ba?? Hon may problema ba kay Sofie??" Tanong ulit ni Irene na nakatingin saken


"Ate stop!!" Sigaw ni Kenneth


"Why?? May nagawa ba ako?? Wala naman diba??" Nagmamaang-maangan pa.


"Ah-amm excuse me po sandali" eto namang si 'ako' walang magawa. Kungdi umiyak ng umiyak. Masyado kasing masakit, hindi pa nga kami umaabot ng one year.

"Wifey sandali lang!!" Sigaw naman ni Carl

Ang kapal!! Konti na lang magmumukha na siyang dictionary ehh.


Hindi pa ako nakakalabas sa gate ay hinila ako ni Carl at yinakap


"Bitawan mo ko!" Sigaw ko pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Masyado siyang malakas. At ngayon umiiyak na siya


"Mag-usap tayo!" Sigaw ni Carl pero bago pa man ako makagsalita ay natumba si Carl. Sinuntok ni Angelo


"Hindi lang naman si Sofue ang nasaktan dito Carl. Isama mo na rin ako" susuntukin pa sana siya ni Angelo ng dumating si Angela


"Stop it!!!!" Sigaw niya


"Stop it?!! Stop it mong mukha mo b*tch" saad naman ni Maki


At umalis na ako na umiiyak. Sige saktan niyo ako pero di ko hahayaang madurog niyo ang puso ko


"Sofie sandali lang!!!" Sigaw ni Kenneth


At humarap ako.

"I'm here if you want me to hug you" wika ni Kenneth at tumakbo ako papalapit sa kanya at umiyak


"Salamat." Hinatid na rin ako ni Kenneth sa amin. Tahimik lang ako at walang masabi, nakakabigla lang kasi. Akala ko forever na ehh


Pagkarating ko sa bahay ay pumunta ako sa kwarto at umiyak.

Ilang minuto ay pumasok si mama


"Sofie may nangyari ba?"
Tanong ni mama


"Ma..... Wala na kami ni Carl.... May arrange marriage siya at pakiramdam ko ginamit niya lang ako para pagselosan si Angela" saad ko na umiiyak pa rin.


"Tahan na... Alam ko masakit dahil naranasan ko na yan pero hindi mo dapat ibinibigay ang buong sarili mo sa pagmamahal, magtira ka naman para sa kapakanan mo.." Pagkasabi ni mama ay hinalikan niya ako sa noo at yinakap ako

Salamat dahil nandito si mama sa tabi ko. Tama, dapat magitira ako ng pagmamahal para sa sarili ko, masyado kong pinagkatiwalaan si Carl.


Kinabukasan...

Pagpasok ko sa school, new topic na naman ang pinag-uusapan. At kami yon


"Akala ko talaga tatagal sila ni Carl, linandi niya lang pala" -girl1

Medyo masakit yon ahh

"Hindi no! Masyadong perpekto si Carl para sa babaeng yan! Ngayon may chance ka na girl!" -girl2


Sige tawanan pa!! Pag ako nainis babalik ko kayo kung san kayo nanggaling.




Malapit na ako ng room ng may nagpatid saken, buti na lang di ako nadapa pero napatid ako.



At nagflying kiss pa tong si girl ahhh!! Ngayon wala si Carl gaganyanin niya ako?? Baka ma-flying kick to.


"Nabiktima si girl, o si Carl??" Aba mayabang tong babaeng to

Pero imbes na patulan ko linagpasan ko na lang siya


"Ano?? Ganyan na lang?? Kawawa ka naman. Sorry ha, pero hindi si Carl ang nasaktan" saad ng babae



"Ano bang gusto mo??" Tanong ko sa kanya

"Wala naman! Masarap kasikng busitin ang mga malalandi" saad nito


Gusto ko ng maiyak sa inis


"Oh really? So hobby mo palang inisin ang sarili mo??" teka Maki??


"M-Maki??" Nabigla naman tong si babae


"Huwag mo kong matawag tawag sa pangalan ko, tanging mga importante lang ang makakatawag.   Señorita na lang" wahhh!!! Angas ni Maki ahh



Hinila niya an kamay ko at n makalayo na kami ay yinakap niya ako


"Sana mapapagaan ko loob mo Sofie-chan" saad ni Maki

Sorry Maki pero mas lalo pa akong naiyak ehh..

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon