Chapter 60: Fight

136 4 0
                                    

Sofia's PoV


4 months after....

Okay... Masasabi kong nagiging sweet kami ni Carl, hindi pa nga kaminag-aaway ehh ang problema lang ay ang pagiging selosa namin sa isa't isa.

Simula nung mag 3 months kami ay hindi na kami madalas sabay umuuwi at pumapasok dahil busy nga siya sa business ng family niya.

*ring~*

Tinatawagan ko si Carl dahil hindi ko pa siya nakikita, weekends ngayon ehhh

At salamat sinagot niya.

"Hubby~" tawag ko. Kinakabahan ako ng konti

"Wifey, may problema??" Para siyang nagtatampo ahh.

"Wala naman, gusto lang.... Kitang makausap" saad ko

"O sige magkita tayo sa park, pero sandali lang ahh" masaya naman ako dahil pumayag siya

"I lo--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad na niya itong pinatay.


Nagbihis ako at pumunta sa park, umupo ako sa isang upuan at hinintay siya.

Ilang minuto dumating si Carl, yung mukha niya parang yung unang araw kaming nakita, cold at walang emosyon.

Yinakap ko siya akala ko hindi niya ako yayakapin pabalik pero niyakap niya ako.

"Miss na kasi kita kahit 2 days lang tayo hindi nagkikita" saad ko ng kumalas na siya sa yakap

At binigyan niya ako ng parang naiinis na tingin na kinaiinisan ko

"Dahil dun lang ba kaya mo ko tinawag??" Ano?? Anong ibig niyang sabihin

Nainis naman ako.   "Sorry ahh... Hindi kasi 'lang' ang pagmamahal ko sayo, sorry kung namiss kita ahh" at aalis na sana ng hinawakan niya an kamay ko

"Ngayon ikaw pa itong nagagalit... Sorry na.." Mainahon niyang pagkakasabi

"So dapat ikaw ang magalit?? Puro na lang kasi trabaho ang inaatupag mo, naiinis ako" at umirap lang ako at aalis na sana ng hinalikan niya ako.

"Sorry na wifey, naiinis kasi ako kanina, lapit n lapit sa akin si Angela, kaya ngayon ikaw pa itong napagbuhusan ko ng galit" naguilty naman ako


"Sorry din hubby, nabigla lang talaga ako sayo, pasensiya na ulit" at naghalikan kami


"Hatid na kita, baka ano pang mangyari sayo, ayoko namang mawala ka. Naalala mo naman ang sinabi ko nung sa room diba?? I'm afraid if I might lose you" at napangiti naman ako

Sumakay kami sa kotse niya at nagdrive siya. Pagkarating namin sa bahay ay syempre may good bye kiss.. Ang sweet talaga ni hubby kahit na medyo naiinis siya kanina. Lumalandi na naman kasi itong si Irene...


Carl's PoV

Pagkatapos kong hinatid si Sofie sa kanila ay pumunta na ako sa office, kahit na istudyante ako ay pinagtatrabahuhan na ako ni mama para daw hindi na ako mahirapan kapag ako na ang magiging CEO.

Pagkarating ko doon ay si Angela ang bumungad sa akin.

"Where did you go??" Naiinis niyang tanong

Pake niya?? "Why do you care??" Walang emosyon kong tanong

"Because I am your wife!!" Konti na lang papatulan ko na to ehh

"Well that is my nightmare" at inirapan ko siya at pumunta na sa office ni mama


"Oh Carl!! Why don't you invite Sofie tomorrow night?? We will have a dinner with your father" sambit ni mama


Hindi ko alam kung bat hanggang ngayon mahal na mahal niya si papa

"Okay ma, after class siguro susunduin ko na siya" saad ko

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon