Chapter 61: dinner

127 5 0
                                    

Sofia's PoV

May pasok na ngayon at makakasama ko na ulit si Carl.
Tumayo ako sa kama at naligo at nagbihis pagkatapos ay bumaba na para kumain.

Pagbaba ko ay ang daming pagkain
"Ma!! Anong meron??" Tanong ko pero walng sumagot

Pumunta naman ako sa kusina at bumungad sa akin ang isang napakagwapong lalaki kahit nakatalikod, syempre si Carl

"Hubby??" Nabigla naman ako at yinakap niya ako at hinalikan sa noo

"Kumain ka na, maagang umalis ang mama mo" at umupo kaming dalawa ni Carl at kumain

"Syanga pala wifey, dahil hindi ka nakasama nung birthday ni mama, iniimbita ka niya para kumain ng dinner sa amin mamaya, payag ka?? Ayos naman kung ayaw mo" bat pa ako tatangi??


"Oo naman!" Sagot ko at kiniss ko siya sa pisngi.

Sa totoo lang kinakabahan ako, kahit na nameet ko na ang mama niya noon, mas nakakadagdag pa nga ng pressure ehh.


Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami at umalis na ng bahay.

Pagpasok namin sa school ay gaya pa rin ng dati, mga istudyante na napaka-ingay. Pero may iba ehh, si Angela na abot langit ang ngiti. Medyo naiinis ako at masama ang kutob ko dito.

Pagpasok namin sa room ay umupo na ako sa upuan kung saan ako nakaupo, tiningnan ko si Carl at mukhang may iniisip siya.


"Wifey, wala bang nababanggit ang mama mo tungkol sa past niya??" Biglaan niyang tanong

"Wala naman, bakit may problema ba hubby?" Tanong ko pabalik

"Wala naman" at nagsmile siya at kiniss ko siya sa cheeks


Ilang oras ay dumating na si Prof at nagklase na kami.


-lunch time-



Umupo kami sa table nina Maki at Angelo at Kenneth.


"Ininbita kami ng mama ni Carl sa kanila, so makakasama ka rin namin diba Sofie??" Saad ni Maki


At tumango na lang ako.  So pati pala sila darating?? Edi maganda nabawasan rin naman yung kaba ko.

-
-
-
-
-

*ring~*

Paglabas namin ni Carl sa room ay dumaretso kami sa room, bibili ako ng dress ko at nagpasama na ako sa kanya. Ayoko naman kasing magsuot ng pants no.

-mall-

"Wifey kung kaya black ang color ng dress?? Tingin ko bagay naman sayo yun" wika ni Carl

"Talaga?? O sige susubukan ko" at namili ako ng dress


May nakita naman akong dress na black ang color, maganda ito pero litaw ang legs ko ehh...

"Hubby!" Tawag ko kay Carl na nakaupo sa isang upuan sa store


"Ano wifey??" Tanong niya

"Sa tingin mo??" At ipinakita ko sa kanya ang dress

"Maganda naman ehh, bagay na bagay mo yan promise!" Sigaw niya natawa naman ako at kiniss siya sa cheeks, sweet naman ni hubby!!!!

Binayaran ko ang damit at hinatid na ako ni Carl sa bahay.


Pagdating sa bahay ay naligo na ako. Nagbihis ako at naglagay ng lip gloss at ng light na make up. 


*ding dong~*

Agad akong bumaba at pagbaba ko ay nakita ko si Carl at kiniss ko siya sa cheeks. Baka mamaya ubos na tong pisngi niya.



Umalis na kami sa bahay at kinakabahan ako, pinagpapawisan na nga ang katawan ko ehh.

Ilang oras ay ramdam kong tumigil na ang sasakyan, tumingin ako sa bintana at nakita ko ang napakalaking bahay nina Carl. Bumaba kami at hinawakan ni Carl ng mahigpit ang kamay ko


Pumasok kami sa bahay nila at nandoon na rin sina Maki.

"G-good evening po~" bati ko sa pamilya nina Carl nandun kasi yung papa niya. At nagsmile lang sila sa akin.


Umupo ako sa tabi ni Carl at nagkwentuhan muna kami dahil may hinihintay pa daw.

Ilang oras ay.....


"Sorry I'm late!"

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon