Chapter 3: Piano lesson

372 12 0
                                    

Sofia POV

Pagkaalis namin dalawa ni Carl sa canteen, sinalubong kami ni Mrs. Alliana, ang music teacher namin, siya ring nagtuturo sa mga tumutugtog o magaling sa larangang music.

"Sofia, tumawag sa akin ang mama mo kanina lang, at ang sabi niya isasali ka niya sa music lesson at ako ang magtuturo sa iyo. Teka Sofia boyfriend mo ba si Carl?"

Ano daw?

"ah hindi po kaibigan lang, ammm magaling lang po ako sa pagtugtog ng piano di ko po alam sa pagkanta kung magaling ako"

. "Kaya nga tuturuan kita diba."

Tapos biglang nagsalita si Carl,

"amm Sofie aalis na ako."

"Teka lang Carl!!, ammm kita na lang mamaya"

Umalis na si Carl at kasama ko naman si Mrs. Alliana, pumunta kami sa room at gusto niya na tumugtog ako ng piano habang kumakanta, at ginawa ko naman, umupo ako sa upuan at tumugtog

Let's not fall in love
We don't know each other very well yet...

Kumanta ako hanggang matapos ang kanta,

"aba Sofia magaling ka pa lang kumanta."

Haha ako magaling kumanta, di ko lang alam ah.

"Ha teka ano na bang oras?"

Tiningnan ni Mrs. Alliana ang relo niya,

"ah Sofia balik ka na lang pagkatapos ng class mo, magtiis ka na lang dahil medyo matagal ang ensayo mo okay."

So ibig sabihin di ko na makakasabay si Carl?, masama to

"Sofie okay?"

"Amm opo "

"ah atsaka nga pala kay Mr. Hiragi ka na papasok,"

"opo"

tapos umalis na ako. Nung paalis na ako, may nakita akong lalaki na nakatayo at nakasandal sa pader.

Tapos nakita ko, si Carl.

"Carllll!!!" Napasigaw pa ako, "Ca-Carl anong ginagawa mo rito? "

"di pa ba hulata, hinihintay kita, ayo ko kasing may humawak sayong ibang lalaki."

ano daw a-ayaw niyang may humawak sa aking ibang...

"Naniwala ka naman, gusto lang kitang hintayin."

Hmmm naiinis ako sa lalaking ito antipatiko rin pala siya.

Tapos havang naglalakad kami nagbibiruan kami, ang problema lang di siya tumatawa, ano kayang problema niya?, siguro ugali lang niya yon.

Hanggang sa nakapunta na kami sa room na papasukan namin, at nung pagpasok namin, narinig ko nanaman ang mga chismosa sa section namin. 

"Teka lang GF ba siya ni Carl?"

"hindi siguro, siya GF ni Carl"

"pero aaminin ko may kagandahan rin siya."

Haay hindi nanaman niyan sila titigil, parang hindi sila first section.

Tapos umupo na kami ni Carl sa upuan namin

Hanggang makalipas ang ilang minuto,

Haay ayoko sa subject na to, di naman kasi ako neardy eh.

Si Carl kaya anong ginagawa niya?

Tiningnan ko si Carl at nagulat ako nung nakatingin siya sa akin, iwas na lang ako.

Grabe, bat ak biglang kinabahan.

Pagkatapos ng last subject namin,
pumunta na ako sa music room.

Habang naglalakad ako, nakita ko si Carl na hinahanol ako,

Ano kayang problema nito?

"Sofie hintayin mo ako...."

"Ca-Carl diba sabi ko sayo pupunta ako sa music room!!"

"Hihintayin kita."

Ano raw hihintayin niya ako, haha ano ako hihintayin mo? Hahahaha

"hmmm baka kasi mawala ka!!"

Aba't, kahit kailan talaga pagulo tong engot na to

"Haaaay Carl matatagalan pa ako, kaya mauna ka na"

"Alam mo Sofia kapag sinabi kong hihintayin kita, hihintayin kita, kung ibang babae lang niyan ikaw, sigurado ako hihimatayin sila sa sobrang kilig."

May kakapalan rin pala ang mukha ng lalaking ito

"Haaay sige na nga halika na"

Naglakad kami papuntang music room, pagkarating namin doon, agad kong binuksan ang pinto

"aahh Sofie nandito ka na pala, pasensiya na di ko sinabi na may iba kang makakasama,"

ha talaga, so ibig sabihin marami kami, ibig sabihin anim kami dito

"Okay Sofie siya nga pala si John, Mariel, Aki, Troy at Angelo."

Ammm masaya akong makilala kayo, tapos biglang may binulong si Carl sa akin,

"ammm Sofie dun muna ako sa labas."

"Ano bakit ka lalabas?"

"Eh kasi naiinip na ako,"

"Ano?,eh lalo kang maiinip sa labas eh"

"Hoy Sofie kailan mo ba ako pwedeng pakialamen ha!"

"Busit ka"

at umalis na si Carl sa room at lumabas,

ano bang problema niya?

At nagpractice kami ng sabay-sabay ng piano hanggang sa matapos kami.

"Okay sige umuwi na kayo kita na lang tayo bukas."

Haaaay ano kayang gimagawa ng engot na yun? Lumabas ako sa music room at nakita kung may kausap siyang lalaki.

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon