Chapter 64: Don't leave me

190 5 0
                                    

Sofia's PoV

3 weeks...

Pumasok ako sa room pero hindi ako mapakali dahil nakikita ko si Carl. Tinititigan niya lang ako buong araw kaya hindi ako komportable. Nung lunch time na ay papunta na sana ako sa canteen ng pigilan ako ni Carl


"Mag-usap tayo." Saad nito

"Nag-uusap na tayo Carl"

"Maniwala ka, wala akong alam. Pakiusap paniwalaan mo naman ako wifey!!" Sigaw niya


"Pero ang hirap kasing paniwalaan ka ehh!!" Ayan umiiyak na ako. "Yung gabi-gabi... Naiisip ko, rebounder lang ba ako sayo?? Panget ba ako para pagsamantalahan ako?? Mukha ba akong laruan para paglaruan mo??" Tanong ko na umiiyak


"Hindi!!"


"Pero bakit?!!" Tanong ko sa kanya na medyo napasigaw lang.


"Hindi ko rin alam!! Dahil ang alam ko mahal kita!! Kahit yun lang Sofie maniwala ka!" Sigaw ni Carl.  "Ngayon Sofie sabihin mo saken na mahal mo ako. Mahal mo pa ako diba??" Tanong ni Carl

"Hindi na Carl" saad ko at umalis na. Napakasinungaling ko naman.








Carl's PoV


Oo tama. 3 weeks ko nang pinipigilan ang sakit sa dibdib ko. 3 weeks ko ng hindi nakikita ang mahal ko.

Dahil wala naman akong magawa dito sa school umuwi na lang ako. Pagkauwi ko ay nandon si mama.



"Oh Carl bat napaaga ka??" Tanong nito


"Masaya ka na??" Biglaan kong tanong


"What do you mean??"


"Masaya ka na?!! Wala na saken si Sofie, masaya ka na nakaganti ka na sa pamilya niya?!" Galit na tanong ko kay mama


"Carl---"


"Nahihirapan ako ma!! Nawala na naman ang taong mahal ko. Masakit dito *sabay turo sa dibdib* kasi sarili kong ina ang sumira ehh"

"Hindi mo iniisip ang ibang tao, ma. Hindi mo naisip sa ginawa mo sarili mong anak nasaktan mo, ma!! Past is past!! Its just one mistake!!!" Sigaw ko at umakyat na sa kwarto


Umalis na ako na umiiyak. Iniwan ko si mama na umiiyak.


Sinubukan kong tawagan si Sofie pero hindi siya sumasagot


"Ahhhh!!!" Sigaw ko sa inis

Bigla namang pumasok si mama.  "Anak sorry!!" Sigaw ni mama at yinakap ako. Ngayon sabay na kaming umiiyak


"Hindi na babalik si Sofie ma..." Bulong ko at pumikit.



Kinabukasan...

Nagising ako sa kama ko na kasama si mama. Hinalikan ko siya sa noo at umalis na. Palagi na lang ganito ang nararamdaman ako, sumasaket na naman an dibdib ko.


"Hindi na ako mahal ni Sofie..." Wika ko na kinakausap lang ang sarili ko at may pumatak na naman na luha.   "Pero ako mahal na mahal pa siya!!"

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon