Chapter 23: my first date

176 6 0
                                    

Sofia POV

Excited na ako sa magiging date namin ni Carl, kaya maaga akong natulog.

Kinabukasan.... (Saturday)

At nagising na ako ng 5:45 ng umaga, maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto ng breakfast namin ni mama, at kumain na ako at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo.

Hanggang sa matapos ako. Namili ako ng dress kong susuutin ang napili ko ay yung color puti na dress na may bulaklak. At nagsandals lang ako. Pagkatapos hinintay ko si Carl hanggang sa dumating siya. At bumaba na ako

"G-good morning, Carl" -ako

"Good morning den, bagay mo suot mo" wika ni Carl na ang dahilan kung bat ako namumula ngayon

"S-salamat. Pero wag mo naman akong purihin ng ganyan tingnan mo namumula na ako" -ako

"Bagay nga sayo" wika ni Carl habang nakangiti

"Carl naman...." -ako

"Sige na tara na, una nating pupuntahan yung zoo" -Carl

"Ok" -ako

At pumunta na kami sa zoo, masayang masaya kami ni Carl nakakita kaming mga monkey, tigers, at kung ano ano pa

"Masaya ka ba Sofie?" Tanong ni Carl

"Oo sobra, first date ko to eh"
-ako

"Ako rin" sagot niya

" h-hindi kayo nagdate ng naging first love mo? Si Angela?" -ako

"Di ko pa kasi sila yinayang magdate" -Carl

Oo nga naman, kung di ko siya yinayang magdate baka di kami nagde-date ngayon

"Saan mo pa gustong pumunta? Pasensiya na kung ganito ako klaseng kadate di ko pa kasi naranasan makipagdate eh" -carl

"Ayos lang... gusto ko sa park" -ako

"Sige" -carl

At pumunta kami sa park, bumili kami ng ice cream na mango ang flavor favorite ko kasi yun eh

"Ang sarap no?" -ako

"Sobra" -carl at tumatawa siya, grabe siya ang gwapo niya pagtumatawa, nakapikit ang mata niya

"Sofie.... mamayang gabi may ipapakita ako sayo sana magustuhan mo" -Carl

"Oo sige" -ako

At malapit ng dumilim

"Sofie tara dun tayo sa big aquarium" -Carl at hinila niya yung kamay ko

Nung pagkarating namin don nakita ko ang mala-laking isda at marami pang iba

"Ang ganda...." -ako

"Diyan ako palaging dinadala ni lola kapag birthday ko, di nakakasawang panoorin ang bawat isda na lumalangoy, ganito ring oras niya ako dinadala, mas maganda daw kasing tingnan kung gabi ka pupunta"'-Carl

"Ganun ba? Tama ang lola mo ang gandang tingnan, alam mo Carl.. A-ang saya ko ngayon" -ako

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon