Chapter 7: The story of Angelo

262 10 0
                                    

Sofia POV

KP- makapal ang mukha.

Pagkatapos na nangyari, umalis na kaming dalawa ni Carl sa rooftop

, ano na bang oras?

pagkatapos tiningnan ko yung oras,

"ha Ca-Carl pasensiya na"

"ano bakit?"

"Meron kasi akong ensayo ngayon, kalahating oras na kong late, pasensiya na ulit"

Pagkatapos non umalis na ako at pinuntahan na si Angelo, lagot na niyan ako kay Angelo, hanggang sa makarating na ako.

Nung malapit ako sa pinto ng music room, narinig ko na may tumutugtog ng piano, grrrrr posibleng si Angelo yun, lagot na huh huh huh.

Tapos pumasok na ako,

"A-Angelo pasensiya na"

"late ka na, alam mo bang kanina pa ako dito, sa ginawa mo ngayon may parusa ka,"

"pasensiya na"

"Sige na umuwi ka na, mukhang pagod na pagod ka sa pagsama kay Carl,"

"o-okay pasensiya na ulit"

nung paalis na ako bigla niya akong tinawag

"uy, bukas gusto ko maaga ka dito okay, sige na umalis ka na, baka...."

"hmmmm,o-okay"

at umuwi na ako

Kinabukasan....

ha, wag!!!

buset panaginip lang pala yun, buset na panaginip, inaasahan ko pa naman na maganda ang panaginip ko,

"Good morning Katty"

at pumasok na ako, hanggang sa makaratin na ako sa school.

Ha!!! Inaantok pa ako buset,

Nung nakarating ako sa room,

wait nasan si Carl, absent?, o late?. Hmmm late lang yun, haha na-late sa kakabasa ng libro, tsk ang lalaking yun

hanggang sa dumating na si Mr. Alex, absent nga si Carl...

tapos nagchi-chismisan na naman ang mga chismoz sa room namin

"wait wala si Love,"

Ano raw Love, ang kapal, singkapal ng dictionary binabasa ni Carl,

"uy girls baka ginayuma ni Sofie," Sabi ng isa sa kanila

ako, ginayuma, si Carl, aba't!

tapos tumayo ako at sinagutan sila,

"hoy kayo, di ako katulad niyo no, ang KP niyo!!!"

"Wait what is KP?"

"It is non of your business!!!"

"Girls, umupo na kayo, huwag nating hayaang may mangyari pa." Sabi ni Mr. Alex

"magklase na tayo, baka may sakit lang si Carl"

Hanggang sa uwian na,

grabe ang bilis ng oras,

Tapos tumakbo na ako papunta sa music room, nung nakarating ako.

Ha! Buti wala pa si Angelo, magpa-piano na muna ako

at nag-piano ako hanggang sa dumating na si Angelo.

"Wow di ko akalain na smooth ka kung tumugtog" sabi ni Angelo,

"Ah ganon ba, mag-umpisa na tayo"

"pasensiya na, namili pa kasi ako ng song na tutugtugi natin."

"Ayos lang"

at nag-umpisa na kami

habang nagpa-piano kami nagkwe-kwentuhan rin kami ni Angelo.

"Angelo may kapatid ka ba? "

"Oo dalawa sila, pareho pa silang babae, yung isa nakababata kong kapatid si Maki, Maki Garcia."

"Teka lang Angelo bakit parang panglalaki ang pangalan?"

Tapos tiningnan ako ng tiger look ni Angelo, nakakakilabot,

"ha!! hindi naman sa nakikialam pero..... "

"Hahaha nakakatuwa ka rin pala paminsan-minsan no, half japanese kasi ako"

"talaga, oh, "

"alam mo kasi lumaki ako sa Japan, gustong-gusto ko ang sakura pati na ang mga manga, hindi yung prutas ah yung binabasa, adik kasi ako nun sa anime. Ang papa ko ang Pilipino at ang mama ko ang Japanese, gustong-gusto ni papa sa Japan kaya dun niya kami pinalaki. Tatlo kaming magkakapatid ang panganay si ate Soenji Yamamato, ang bunso si Maki Yamamato, at ako yung pangalawang panganay o bunso. Ako ang nag-iisang prince kaya ako lang ang may pangalan na Angelo o pangpilipino ang pangalan."

"Pero bakit Yamamato ang apilido nila? "Tanong ko,

"sa Japan kasi Yamamato ang apilido dito sa Philippines, Garcia. Hayyy 10 years old ako nung mamatay mama ko, ang saklap no? At simula non si Angelo Yamamato na kilala nilang masigla at masiyahin, ay naging malungkot at music lang ang karamay. At yun yung dahilan kung bat ako nasa Pilipinas."

"Teka lang Angelo bat ikaw lang ang nasa Pilipinas? "

"Yung ate ko kasi may negosyo na doon, si Maki naman malapit na dito mag-aral, tanging mga kamag-anak lang namin ang binabalikan namin dito, hanggang sa makilala ko si Gab, nakilala ko si Gabriel nung pauwi na ko galing school, pinag-tutulungan kasi siya syempre tinulungan ko at pinapunta ako sa bahay nila, sakto kasing pinag-uusapan nila ang tungkol kay Carl, na magiging Ramirez na siya, at doon ko nakilala si Carl, di ko kasi close si Carl non."

" So alam mo pala ang tungkol sa kanila"

"alam mo rin pala, ang problema lang kasi kay Carl tahimik nabo-boring ako kapag kausap ko siya,"

"bat ako hindi nabo-boring?"

"Syempre may gusto ka sa kanya,"

"imposible"

You and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon