Paano ko nga ba sisimulan?
Ang kwento ng pinagmulan
Ng isang pagkakaibigang
Puno ng kalokohanIlang taon na mula ng tayo'y magkakilala
Magkaiba ang ugali nating dalawa
Pero di ito naging hadlang sa masaya nating pagsasama
Sa tuwing nandiyan ka labis na tuwa ang laging nadaramaMarami ng problema ang dumating
Mga simpleng tampuhan sa pagitan natin
Ngunit sa kabila ng mga suliranin
Nanatili ka pa rin para sa akinAng lahat ng aking pinagdadaanan
Ito'y ating pinagkukwentuhan
Wala akong mapalang payo mula sayo
Pero sapat na sakin ang presensiya moLikas na yata sayo ang walang paki sa mga bagay bagay dito
Kapag kinakain ka na ng musikang pinakikinggan mo
Tila nagiging manhid ka sa mga nakapaligid sayo
Kailangan ka pang gisingin para makita ang katotohanang umiikot ang mundoSabagay kaibigan mo nga pala ako
Kaya napapansin ko ang lahat ng galaw mo
Nayayamot ka nga minsan sa mga pangbabarang lumalabas sa bibig ko
Pasensiyang hinahabaan mo para sa kaibigan mong malokoNais ko nga palang magpasalamat
Dahil pagkakaibigan nati'y di mo hinayaang magkaroon ng lamat
Hindi ako nagkamali ng pinili sapagkat
And tulad mo ay isang taong hinahangad ng lahatKaibigan salamat!
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryEvery thought that came to my mind I wrote it so that it can be replace by the new one and the cycle will go.