Ako lang naman yung nakukuha ng kaydali
Pero mahirap ibigay muli
Isang mong pagkakamali
Pwedeng maging dahilan upang ako'y di na manatiliAko raw ang pundasyon
Ng anumang uri ng relasyon
Kaya kung dumating ang pagkakataon
Na ako sayo ay ipagkaloob wag akong basta na lang itataponKapag ako sayo'y ibinigay
Ito lamang ay patunay
Na ang pagkakaibigan niyo ay dalisay
At walang makahihigit na kahit ano pang bagayKayhirap intindihin para sa akin
Pilit ko mang unawain
Kung bakit napakadali para sa kanilang ako ay sirain
Ganoon na lang nila ako maliitinDumating ang araw na ako'y nasira
Naghihinagpis sila at nagmamakaawa
Sinasabayan pa ng kanilang mga luha
Maibalik lang ako, maibalik lang ang TIWALA!
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryEvery thought that came to my mind I wrote it so that it can be replace by the new one and the cycle will go.