A.K.O

65 0 0
                                    

Ako yung uri ng taong sobrang mahiyain
Malamang sa unang pagkikita natin
Ay baka hindi kita pansinin
Dahil ang pride ko ay mas mataas pa kaysa sakin

Ako daw ay napakasungit
Mukha ko'y lagi raw parang pinagsakluban ng langit
Ngingiti lang ako ng may halong pait
Pero ang loob ko ay lubos ng nagngingitngit

Pili lang ang mga kaibigan
Ayoko kasi ng nakikipagplastikan
Kung sino lang ang gusto kong nandiyan
Ay sila lang ang gusto kong pakisamahan

Hindi ako ganoong kaperpekto
Subalit ako'y isang kaibigang totoo
Na masasandalan sa bawat problema mo
Patatahanin kita't bibigyan ng payo

Matayog ang tingin ko sa sarili ko
Alam mo yan dahil ang tagal mo nang nasa tabi ko
Bukod doon ang damdamin ko'y napakasensitibo
Kaunting masakit na salita para ng nilalamukos ang puso

Hindi ko lubusang matanto
Kung bakit sa ugali ko ikaw pa ay naninibago
Hindi ba dapat ikaw mismo ang unang nakakakaunawa sa aking pagkatao?
Nakakalungkot ang mga ipinapakita mo

Sa tuwing gusto kong tayo ay mag-usap
Nag-iisip ako ng maigi kung pano ko ito sisimulan sa isang pangungusap
Kasi nais kong maging mahaba ito na di na natin mapapansin na tayo pala'y napasarap
Kinakausap kita dahil gusto ko hindi lang dahil may mga impormasyong gustong makalap

Sabi mo pa ang kamustahin ka ay di ko pa magawa
Tanungin ka kung ikaw pa ba ay masaya o lumuluha
Pasensiya ka na ha
Di ko alam na pwede ko pa lang simulan ang usapan sa isang "kamusta"

Mga ilang beses na akong nakakaramdam ng pagtatampo
Wala ka kasing kagana-ganang makinig sa mga kuwento ko
Di katulad dati na mas excited ka pa saking malaman kung anong naganap sa araw ko
Anong nangyari di mo na rin ba mahanap ang pake mo?

Ako lang ba o talagang ang laki na ng pinagbago mo
Dahilan ba nito ay ang ating paglalayo
Hindi naman ganon kahaba ang agwat ng distansiya ko sayo
Pero parang ang hirap mo ng abutin kahit man lang ang mga kamay mo

Ang sakit isipin na ganiyan na ang tingin mo sakin
Na lalapit lang sayo kapag may kakailanganin
Nasasaktan ako sa paraan ng iyong pagsasalita nauubusan ako ng sasabihin
Baka kasi mahalata mong nalulungkot ako at masabihan mo pa ko ng maramdamin

Ilang taon na ba simula ng magsimula ang pagkakaibigan
Parang nawalan yata ng halaga ang pinagsamahan
Dahil ako lamang ay iyong napagsabihan
Na lumalapit lang pag may kailangan

Napakababaw ko ba?
Sige iintindihin kita
Kasi baka ako lang tong nag-iisip ng masama
Sa mga sinabi mong parang kutsilyong sa akin ay tumama

Ako kasi yung taong hilig kang asarin
Ako yung taong lubos na masayahin, ngunit
Ako din yung kaibigang mahirap ng kunin
Lalo na kapag di mo binigyang halaga at sinaktan mo ang damdamin

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon