Pansin

80 0 0
                                    

Pano nga ba masasabing masuwerte ka sa iyong buhay pag-ibig?
Ito ba'y kapag ang dasal mo ay dininig
At dumating ang lalaking lubos na sayo'y iibig
Na kahit sa kalungkutan balikat niya'y nariyan para ikaw ay humilig
Pagagaanin ang iyong pakiramdam gamit ang mga salitang galing sa kaniyang bibig

Nagsimula ang aking istorya
Nang kami ay nasa sekondarya
Doon kasi ako unang nakadama
Ng kakaibang paghanga
Para sa isang lalaking isang taon ko ng nakilala

Sa una nama'y kami ay sobrang saya
Yung tipo bang napapangiti na lang ako kapag nakikita siya
Walang araw na di siya tatabi sakin upang makipag-usap at makitawa
Tila nga hindi na kami mapaghiwalay na dalawa
Ewan ko ba kung bakit ganon na lang epekto sakin ng iyong mga mata

Ngunit lumipas ang sayang aking nadama
Napalitan ng sakit na di matutumbasan ng iba
Akala ko tatagal ang salitang tayo na
Pero hindi pala kasi mayroong siya
Na bukod sakin, sa kaniya rin ikaw ay humahanga

Panahon ang aking binilang
Upang matanggal ang kirot na nararamdaman
Dito sa puso kong parang pinagsakluban
Sabi ko sa aking sarili "unti na lang"
Malilimot na rin kita pati ang iyong ngalan

Hindi ako nagkamali
Ang puso ko'y parang nawala sa pagkakatali
Sa pagmamahal sayo na ngayon ang tingin ko na lang ay isang pagkakamali
Lahat ng pangakong iyo lamang binali
Kinalimutan ko na! pati na ang ibang sandali

Isang lalaki ang sinusubukang
Pasukin ang puso kong ang hirap ng buksan
Dahil sa sakit na dulot ng nakaraan
Hindi niya ko sinukuan
Kahit ilang beses ko siyang inaayawan

Sa pangalawang pagkakataon hinayaan ko ang sarili kong maging hangal
Binuksan ang puso para papasukin ang alay niyang pagmamahal
Ang karapatang magmahal ay akin ng tinanggal
Pero ngayon ay ibinabalik para sa taong labis akong mahal
Naranasan ko ulit ang sumaya, sayang di ko nadama ng kaytagal

Parehas nating tinahak ang daan
Kung nasaan ang pangarap nating nais makamtan
Pero kapalit nito'y oras sa isa't-sa tayo'y nawalan
Dahil mas inuna ko ang mga librong dapat kong pag-aralan
Di natin naiwasang magkaroon ng mga tampuhan

Akala ko kaya mo paring kumapit
Na kahit tayo'y paglayuin ng oras tayo pa rin ay magkalapit
Ngunit nagulat ako sa iyong sinambit
May iba ng nagpapasaya sayo nakaramdam ako ng galit
Dahil lamang sa inuna ko ang pag-aaral ako'y iyong ipinagpalit

Ngayon humihingi ka ng panahon
Para ikaw kamo ay makapag desisyon
Binigyan kita ng pagkakataon
Dahil sabi mo ayaw mo akong mawala sa iyo kapag lumaon
Inintindi kita kahit ang hapdi ay pilit akong nilalamon

Hanggang kailan ako maghihintay
Parang sa sakit ako'y biglang nasanay
Sana sa pagkakataong ito ang relasyon natin ay di sirain ng anay
Hawakan mo pa rin ang aking kamay
Kahit mayroong siya sa tabi mong pilit kumakaway

Inaagaw ang iyong pansin
Na dapat ay nakatuon sa akin
Pang-unawa ay palalawakin
Para ikaw ay manatiling akin
At patuloy akong mahalin.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon