Nang kami ay magtapos
Kalungkutan, ako'y iginapos
Pakiramdam ko hindi na makakahanap pa
Nang mga kaibigang katulad nilaNgunit ako'y nagkamali
Dahil may dumating na bago at humalili
Nakaramdam ako ng saya
Na noon ay naramdaman ko naItinuring ko silang mahalaga
Katulad ng mga nauna
Lahat ay ginawa ko na
Mapasaya ko lamang silaMasiyado ko silang kinunsinti
Na pati ang aking sarili
Ay nasaktan ko na ng paunti-unti
Napatanong na lamang ako "san ba ko nagkamali?"Ang galing kong pahalagahan ang iba
Pero ang sarili ko ay binabalewala
Ang akala tuloy nila
Okay lang sakin kahit hayaan nilang mag-isaNgayon nais ko munang dumistansiya
Upang sarili ay mabigyang halaga
Lilimitahan ko na ang importansiyang ibinibigay ko sa kanila
Dahil hindi naman nila napapansin kasi nga may sariling mundo silaMUNDO na kung saan hindi ako KASAMA...
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryEvery thought that came to my mind I wrote it so that it can be replace by the new one and the cycle will go.