Isang laro na aking sinalihan
Hindi ko alam na ito ang pagmumulan
Ng damdaming ngayon ko lang naramdaman
Di ko lubos maintindihan
Kung ano itong nasa aking kaloobanMarahil ikaw ay magtataka
Sa tagal baganaman ng ating pagsasama
Bat ngayon lang ako nakadama
Ng kakaibang saya
Kapag ikaw ay nakikitaHuwag kang mabibigla pero yan rin ang aking katanungan
Mismo ako sa sarili ko'y naguguluhan
Daig ko pa ang baliw, biglang ngingiti kapag ika'y napagmamasdan
Biglang natutulala kapag mga mata natin ay nagkakatitigan
Di ko alam ako'y kinakabahan"Inspirasyon lang siya" sa sarili ko'y ipinipilit
Ngunit mga kaibigan ko'y laging sinasambit
Tatlong buwan lamang ang palugit
At bawal ang hihigit
Kaya tuloy ako'y nagngingitngitAyon sa kanila ito raw ay pag-ibig
Na maihahalintulad sa tubig
Pupuno sa puso mong kulang ng dilig
Ganon na lamang ang gulat ko ng ako'y kinilig
Isipin ko pa lamang na ako sayo ay umiibigPanandalian lang pala ang saya
Sapagkat sakit na ang sunod kong nadama
Nang aking makita sa iyong mga mata
Ang isang matinding paghanga
Hindi sa akin kundi sa ibaAng dibdib ko'y nilalamon ng kirot
Kahit anong gawi'y di ko malimot
Ang hapdi na iyong dulot
Di ko alam ang lunas o gamot
Para rito sa puso kong parang nilalapirotSa kabila nga mga ito
Sayo pari'y patuloy na nagkagusto
Ngunit di ko hinayaang ito'y makaapekto
Sa kung ano man ang aking pagkatao
Alam kong darating rin akoSa punto kung saan kaya ko ng tumingin sa yong mata
Na walang nararamdamang pagkailang at kaba
Punto kung saan na kahit ikaw ay aking makita
Wala na sa puso ko yung saya
At masasabi ko sa sarili ko na sa wakas ay nalimot rin kitaSa ngayon hahayaan ko muna ang sarili ko
Na sayo'y humanga at magkagusto
Alam ko namang mapapagod rin ako
At di makukuntento na sayo'y nakatanaw lamang mula sa malayo
Dahil tao lang naman ako may limitasyon ang paghangang itoMatutunan ko ring tanggapin
Na di kita kayang abutin
At kapag ang panahon na yun ay dumating
Lahat ng sakit na ipinaramadam mo sa akin
Ay tatawanan ko na lang rin.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryEvery thought that came to my mind I wrote it so that it can be replace by the new one and the cycle will go.