Musika

58 0 0
                                    

Hindi ka isang tao
Pero di ito kakulangan sayo
Upang ako'y mapasaya mo
Sa mga sandaling ang kalungkutan ay nilulukob ang aking pagkatao

Sa bawat pag-taas baba ng nota
Kasabay rin nito ang paghugot ko ng malalim na hininga
Masabayan lang ang liriks ng kanta
Lalo na sa mga parteng bibirit na

Sa panahong ako pa'y nagluluksa
Dahil sa kaniyang pagkawala
Nariyan ka upang ibalik ang saya
Na nawala sa aking mukha

Kinain na yata ako ng sistema
Nitong kakaibang musika
Ang dibdib ko'y pinupuno ng saya
Sa paghihinagpis ako'y pinalaya

Hindi mabatid kung bakit
Sa ritmo ay naakit
Napapasabay sa pag-awit
Kahit ang panga ay manakit

Ang iyong mga salitang binabanggit
Parang sa puso ko'y pumupunit
Tinatamaan ako marahil dahil alam ko kung gaano kasakit
Gusto kitang sumbatan ngunit

Kahit anong sigaw ko sayo
Kahit anong galit ang ipakita ko
Di tumatagal at nawawala ito
Nanunumbalik pa rin ako sa pagkahumaling sa musikang dala mo..

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon