Hindi ko alam na madali ka palang bumitaw
Lalo na sa mga pangako mong iyo pa ngang isinisigaw
Kahalintulad ka ng isang langaw
Na sa mga bagay ay lumalapit ng pahapyaw
Pagkayari mong pagsawaan ikaw na ay aayawKumapit ako sa matatamis mong mga salita
Nagpakalunod sa pagmamahal mong puro naman litanya
Hindi ko man lang alintana kung ang umasa pa ay tama
Dahil ang pagmamahal ko sayo ay tila
Binubulag ang dalawa kong mga mataNapakasakit isipin
Na ganito lang ang ating sasapitin
Nagdasal ako ng mataimtim
Para sa iyong pagdating
Ngayon ikaw ay binabawi na niya sakinMatatanggap ko pa kung ikaw ay nagsawa
Pero ang malaman ko ang katotohanang may iba ng sayo'y nagpapasaya
Ay mas masakit pa kaysa ang palayain ka
Ano bang mayroon sa kaniya
Na sa akin ay hindi mo nakitaPinagsisihan kong binigyan kita ng panahon
Para pag-isipan ang iyong magiging desisyon
Dahil ang sagot mo ay tinanggalan ako ng posisyon
Para ipaglaban pa ang ating relasyon
Di ko na tuloy alam kung saan ako lulugar ngayonMasiyado akong nasanay na nandiyan ka
Kaya di ko matanggap na ika'y di ko na puwedeng makasama
Kaligayahan ko ang makita kang masaya
Pero di ko naisip na napakasakit pala
Kapag natagpuan mo ang kasiyahan sa kaniya
Magkahalong lungkot at panghihinayang ang nadamaAking napagtanto na pwede pa
May nakita kasi akong lungkot sayong mga mata
Na para bang ako'y ayaw mong mawala
Ngunit naglaho ito ng aking makita
Kung gaano mo siya niyakap at hinagkan ako ay nagitlaSapagkat ni minsan ay di mo sakin yun ginawa
Nung mga panahong tayo pang dalawa
Puso ko'y parang hinati sa gitna
Huminto sa pagtibok ako'y nawawalan ng hininga
Saan ako huhugot ng lakas ngayong napatunayan kong wala ka naWala ka na sa tabi ko para kapitan pa
Kapag sa tingin kong ako'y nanghihina
Wala ka na sa tabi ko upang sa akin ay ipaalala
Na laging huwag mawawalan ng pag-asa
Kahit sandamakmak na ang aking mga problemaKailangan ko ng limutin ang pagmamahal ko sayo
Hindi lang para sa ikakasaya mo kundi para na rin sa sarili ko
Ayoko ng madagdagan ang mga sugat sa aking puso
Na dulot ng iyong palaho
Ako na ang mismong lalayoPaalam na Sinta
Ako ay tuluyang bibitaw na
Sa mga ala-ala nating dalawa
Ganon na nga palalayain na kita
Upang ako'y di na masaktan pa.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryEvery thought that came to my mind I wrote it so that it can be replace by the new one and the cycle will go.