Problema

33 0 0
                                    

Palagi ka na lang nandiyan
Kailan mo ba ko lulubayan?
Nakita mo na ang lahat maging ang aking kahinaan
Ano pa ba ang iyong kailangan?
Wala na kong bagay pa na pinanghahawakan

Isa ka sa mga taingang nakikinig
Sa mga hagulgol kong tila nakakatulig
Lahat na yata alam mo maski na ang aking buhay pag-ibig
Nakita mong lumandas ang mga butil ng tubig
Mula sa aking mga mata papunta sa aking bibig

Ikaw at siya ang nagsilibi kong sandalan
Pero ikaw ang higit na mayroong nalalaman
Tungkol sa aking mga pinagdadaanan
Kamay mo ang nagsisilbi kong hawakan
Sa tuwing naiisip ko ng bumitaw na lamang

Araw na ang nagdaan
Mula ng ako'y magtampo sa iyo kaibigan
Pero ito ay lingid sa iyong kaalaman
Dahil ayokong husgahan mo ang aking nararadaman
At sabihing napakababaw ko naman

Hindi na ko nagkukwento sa kaniya at sa iyo
Tungkol sa mga bagay na tumatakbo sa isipan ko
Hindi dahil sa ako'y muling nagtatampo
Kundi ayokong maipit ang isa man sa inyo
Kaya hanggat maaari pilit kong sa inyo ay itago

Sa mga bunga ng makabagong teknolohiya
Ako naglalabas ng lungkot at saya
Hindi ko alam kung bakit di ako nakakaramdam ng hiya
Marahil siguro dito ako nagiging malaya
At nakakakuha sa iba ng simpatya

Sa bawat paglabas ko ng saloobin
Lagi kang sumusulpot upang ako ay tanungin
At di ko alam kung paano kita sasagutin
"Nagtatampo ako!" gusto ko man yang sabihin
Subalit di ko kayang banggitin

Nakita ko ang saya mo tuwing kausap siya
Na dati sa akin mo nadadama
Ang sakit kasi siya may libel ang inyong pagsasama
Tawag mo sa kaniya ay matalik na kaibigan, Bestfriend sabi mo pa
Gusto kong malaman bat kapag sa kaniya
Ipinangangalandakan mong bestfriend mo siya sa iba

Tawag mo sakin ay Bes ngunit di ko magawang matuwa
Kasi ako ang unang tumawag sayo nun upang asarin ka
Ngayon ay nakasanayan na nating tawagin ang isa't-isa
Pinagmulan nito ay di mo na alintana
Ganunpaman di pa rin ako masaya

Tanong mo lagi ay "anong problema?"
Gusto ko mang sabihin na "ikaw nga yon manhid ka ba?"
Dinadaan ko na lamang sa tawa
At pagpapanggap na masaya
Doon naman ako magaling di ba?

Wag ka na sanang maging maaalalahanin
Tantanan mo na rin ang pagtatanong mo sakin
Kung ano ang aking suliranin
Sapagkat kayhirap para sakin ang sabihin

"Ikaw nga ang PROBLEMA!"


PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon