CHAPTER 1

621 15 1
                                    

"Arlyn?, bakit ka umiiyak?" malungkot na tanong ni Ricky habang nakatayo siya sa tabi ng pinakamamahal niyang babae.

Habang nakaupo namang humahagulgul si Arlyn.

"Mahal ko, hindi ba't ito ang pinangarap natin? ang magsama habang buhay at walang sino mang manggugulo sa atin" masuyo niyang wika habang mababanaag sa mukha ang pangangambang sabihin ng kanyang iniibig ang itinatanggi ng kanyang isipan.

"Hindi ito tama Ricky!, ayaw ko na rito, nais ko nang bumalik!," lumuluha niyang wika.

"Pinagsisisihan mo ba ang mga nangyari, wala ka ng magagawa Arlyn, nandito na tayo, at diba mahal mo naman ako?, p'wes! ito na 'yung sinumpaan natin, magsasama tayo rito ng habang panahon, at walang sino mang makakapaghiwalay sa atin rito," saad ni Ricky, at umupo ito't hinaplos ang likuran ng babaeng labis na iniibig.

tumayo si Arlyn at ganoon din si Ricky.

"Ayaw ko na rito Ricky! hindi mo ba ako naiintidihan!," at itinulak ang binata, pero hinawakan siya ng mahigpit ng binata kasunod na niyakap ng mahigpit habang lumuluha.

"Mahal na mahal kita Arlyn!, hindi ko kakayaning mawala ka sa akin," paghihinagpis niyang wika, ngunit malakas ang pagtulak sa kanya ni Arlyn dahilan para mabitawan niya ito.

At agad tumakbo si Arlyn.

"Arrrrllllyyyynnn!!, bumalik ka ritoooooo!" malakas na sigaw ni Ricky.

Walang tigil sa pagtakbo si Arlyn, kasabay nito ang kanyang pagluha, tila gulong-gulo ang isip niya, parang pinagsisisian niya lahat ng mga nangyari sa kanila.

Umupo siya sa tabing Puno.

Hinayaan naman siya ni Ricky at 'di na sinundan.

Habang nakaupo si Arlyn ay siya namang unti-unting paglapit sa kanya ng isang lalaki.

Unti-unti niyang iniangat ang mukha.

at tumambad sa kanyang harapan ang duguang lalaki na may hawak na mahabang patalim.

"Papataynnnn kitaaaaa Arlyyyyynnn!!!.." malakas na sigaw ng lalaki kasunod nito ang pagsunggab ng lalaking iyon ng malakas sa kaniya gamit ang patalim.

"Huuuuhhh!!!".

Malakas na hiyaw ni Carla at napabalikwas mula sa pagkakahiga.

"Isang Panaginip!" aniya sa sarili habang nagtataka.

kasunod nito ang pagring ng kanyang doorbell.

Tiningnan niya ang direction ng Pintuan.

at saglit niyang itinigil ang paghilot sa kanyang ulo gamet ang dalawang daliri.

tila hirap siyang tumayo, nanakit ang ulot katawan niya.

"Bakit ganito ang pakiramdam ko?, parang ang sakit ng katawan ko, parang pagod na pagod ako," anang isip niya.

Muling tumunog ang doorbell kaya't tumayo siya't pumaroon.

"Hay naku Girl!, anong oras na't 'di ka pa umaayos jan, tinatawagan ko phone mo pero 'di nagriring naka-off 'ata" patsada ni Mae sa kanya ang kanyang Bestfriend.

Hindi na iyon pinansin ni Carla at pumasok sa dining Room na sinundan naman ni Mae.

"Oh Girl! Is there any somethng wrong? parang may problema ka?" pangungulit sa kanya ni Mae.

"May napanaginipan lang kasi ako, na 'di ko maipaliwanag kung ano, ngunit parang kakaiba ang pakiramdam ko sa mga pangyayaring iyon, parang totoo eh" seryuso niyang wika.

"Hhhmp, dream lang 'yan, kung masamang panaginip, kabaliktaran 'yan, mabuti ang labas niyan, kaya't prepare your self na, hinihintay na tayo ng grupo," sambit ni Mae.

"Sigey Mae, pasensya na rin kung late man akong sumundo ahhh"

at inabot ang Phone at binuksan ito.

"Dami na plang caller na 'di ko nasagot"

"Oo nga, at si Randy mo panay ang tawag niya sa'yo, malalate raw siya ng dating for some important reason kaya't nakiusap siyang sunduin ka," wika ni Mae.

"Ahhh ganoon ba, sige, just wait for me, and i'll take shower now," paalam ni Carla.

at mabilis na tinungo ang bathroom.

naghintay naman si Mae at binuksan ang Tv habang naghihintay.

Habang naliligo ay 'di matanggal sa isipan ni Carla ang kanyang napanaginipan.

isang beses lang iyon nangyari, ngunit kakaiba ang epekto nito sa kanyang damdamin.

Hindi niya maintindihan, ngunit iyon ay parang mahalaga sa kanya.

"Sino kaya ang dalawang iyon?, at sino ang sumaksak sa babaeng iyon," mga katanungan niya sa sarili, na 'di nya maintindihan kung bakit nais niyang hanapan ng kasagutan.

"Ano ba 'to Carla!, bakit 'di mawaglit sa'yo ang isang panaginip lamang," wika nya sa sarili habang bumubuhos sa kanyang magandang katawan ang malilinis na patak ng tubig.

Maya-maya'y lumabas na siya't tumungo sa kanyang room.

Gumayak siya't pasimpling nagmake up.

at magkasama ang dalawa na lumabas ng nererentahan niyang house.

ITUTULOY.

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon