CHAPTER 14

163 11 0
                                    

Naaalala ko noong mga bata pa tayo Arlyn, lagi tayong magkatuwang sa lahat ng oras. Wala tayung naging lihim sa isa't-isa, Magkasama tayong naliligo sa ilog, naglalaro sa simbahan, at kumakain sa bahay niyo't sa amin. Ngunit nang dumating si Ricky, unti-unti na akong nawalan ng halaga sa 'yo. Madalas siya ang kasama mo, kakulitan mo, karamay mo lagi. Samantalang ako'y 'di mo na rin napapansin.

Kaya't nagdesisyon akong sumama kay Lolo sa ibang bansa. Dahil nagseselos ako sa inyong dalawa. 'Di ko kinakaya ang tindi ng namumuong pagmamahal ko sa 'yo, gayung ramdam ko rin na pareho kayung umiibig sa isa't-isa. Kaya't 'yon ang nagtulak sa isipan ko, upang magtanim ng galit sa inyo. Sa paglipas ng panahon ay ninais kong magbalik upang isakatuparan ang tanging minimithiin ko. Ang makuha ang pagmamahal mo Arlyn sa kahit, sa marahas na pamamaraan. Umasa rin ako, na matututunan mo akong mahalin 'pag kinasal na tayo. Ngunit pinagtaksilan mo pa din ako, kaya't nagawa ko kayong kamuhian ng labis.

Pahayag ng kaluluwa ni Johnrey sa panaginip na ito ni Carla.

Ngunit isa pang taong nagsasalita ang unti-unting nagpabalik sa kanyang ulirat.

"Mahal na mahal kita Carla. An'tagal kong hinintay ang pagkakataong mahalin mo rin ng lubusan. An'tagal kitang hinanap..." bigla na lamang nahinto ang binibigkas na ito ng lalaking ito.

At unti-unting iminumulat ni Carla ang mga mata.

Si Randy ang tumambad sa kanyang paningin, nakaupo sa tabi niya habang matindi ang pag-aalala kay Carla.

"Babe okay ka lang?" wika ni Randy.

Pero hindi muna nakasagot si Carla, iniisip niya kung ang nadidinig niyang kataga kanina ay nagmula ba kay Randy.

"Ba- bakit?" tanong ni Randy.

"Gusto mo ba ng makakain, gutom ka na ba? heto't may mga pinamili akong pagkain rito, incase na magkamalay ka," wika ulit ni Randy at tumalikod upang abutin sa lamesa ang pagkain.

Napansin naman ni Carla na nasa loob siya ng hospetal.

"Randy, 'wag na... hindi ako nagugutom," tanggi ni Carla sa nobyo, na bumalik naman sa pagkakaharap sa kanya.

Dinampian ang palad ng dalaga mula sa dalawa niyang palad.

"Alam mo bang... buong araw ka'ng walang malay. Labis akong nag-alala sa 'yo. Ano ba ang pinagdadaanan mo," sunod-sunod na tanong ni Randy.

Hindi naman sumagot si Carla. Nais niyang diritsohin si Randy.

"Babe? kaano-ano mo si Johnrey?" nagulat naman si Randy sa tanong ni Carla.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Nakita ko siya sa basement niyo, kaya't it possible na alam mo ang buong kuwento ng buhay niya?"

Saglit namang bumasag ang katahimikan habang pinapakiramdaman ni Carla si Randy.

"Kapated siya ng lola ni Dad," sagot ni Randy.

"Pero babe, bakit mo siya naitanong??Kilala mo ba siya?" dugtong kaagad ni Randy.

"Oo. Siya ang lalaking multo sa panaginip ko. Siya ang paulit-ulit na nagbabanta sa buhay ko, at siya ang lagim ng pag-iibigan ni Arlyn at Ricky," pahayg ni Carla.

"Paano mo nasabi ang mga 'yan?" si Randy.

"Dahil sila ang mga tauhan sa aking panaginip, at nakailang ulit nang lumitaw sa akin ang mga eksena sa pagitan nilang tatlo, kaya't kahit papaano ay napapagtagpi-tagpi ko din ang mga pangyayari.
Randy, Alam mo ba ang kwento ng buhay nila?" Tanong ni Carla.

"Wala! Wala akong alam tungkol sa kanila! Alam mo namang 'di ko kasundo mga parents ko, kaya't wala silang naekuwento sa akin o 'di lang talaga ako mahilig maghalungkat ng mga bagay-bagay," pagtatanggi ni Randy.

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon