CHAPTER 11

147 11 0
                                    

Naalimpungatan si Carla ng gabing ito, habang magkatabi sila ng nobyong si Randy.

Habang mahimbing pa ang tulog ng huli.

Nagtataka siya sa nararamdaman, tila may lumilitaw sa kanyang isipan na kakaibang nilalang.

Dalawang lalaki na nakasuot kulay puti lahat.

Ngunit parang usok ang mga ito sa kaanyuan. Ang isa ay duguan habang may hawak na mahabang patalim.

Magkaiba ang kinalalagyang lugar ng dalawa, ngunit nagpapalit-palitan sila sa isipan ni Carla.

Masyadong mabilis, animoy nakakahilo. Naglalaho, lumilitaw, at hindi maaninag ang mga mukha ng mga 'to.

"Diba masaya ka naman sa piling ko? bakit mo ako iniwan rito! Arlyn bumalik ka!"paulit-ulit na sigaw ng lalaking iyon habang namamalisbis ang luha sa kanyang mga mata.

Samantalang ang isa ay abot langit ang galit kay Arlyn.

"Papatayn kita Arlyn! Niloko mo ako! Niloko mo ako! Kaya't magsasama kayo sa impyerno ng lalaki mo!" nakakakilabot ang kanyang tinig.

"Si-sino ba kayo? bakit kaluluwa na lang kayo ngayon? Ano ba ang nangyayari sa inyo! Ano ba ang kailangan niyo sa akin?' humahangos na wika ng dalaga.

Pero nagising na lang siya sa gitna ng malalaking damo papunta sa may Ilog.

"Huhh! Bakit nandito ako! Bakit nasa labas ako!" napaigtad siya at nagtataka.

Nang bigla na lang siya nakarinig nang malakas na hinaing.

Wari sinasaktan. Umaatungal ito't walang awa namang pinagtatawanan ng mga kalalakihan.

'Yon ang boses na naririnig ni Carla.

Naglakad-lakad siya, papalapit roon, habang nagtatago sa mayayabong na damuhan.

Nang marating niya ang lugar ay awa ang nangibabaw sa kaibuturan ng kanyang damdamin.

si Ricky, walang awang binubugbug ng mga kalalakihan.

Nakahubad siya ng damit pang itaas, habang hila ng teg-iisang malalaking lalaki ang magkabila niyang braso.

Naliligo na siya sa sariling pawis at dugo. Habang walang awang nilalatigo ng isang lalaki mula sa kanyang likuran.

Ang nasa harapan namang lalaki ay paulit-ulit na sinisipa ang nakaluhod na binata.

Tanging ang dalawang malalaking lalaki lamang ang nakakahadlang upang 'di tuluyang bumagsak si Ricky.

Pagod na pagod na siya at makirot ang buong katawan dulot ng walang awang pananakit.

"Tama na!" ang tanging nasasambit ni Ricky ng mga sandaling ito.

'Di man naisin ni Carla, ngunit awang-awa siya sa lalaking iyon, gusto niyang tulungan iyon, ngunit natatakot siya sa mga walang pusong kalalakihang iyon.

Ang lalo pang nagpaawa kay Carla ay nang baliin ng isa sa mga lalaking iyon ang braso ng binatang si Ricky.

Kumawala ang sigaw ni Ricky ngunit kaagad tinakpan ng lalaking may latigo ang kanyang bunganga, upang 'di umibabaw sa kalagitnaan ng gabi ang kanyang tinig.

kasunod nito ang pagdating ng isang lalaki.

Dumiritso ito kay Ricky at hinawakan sa buhok nito.

"Kahit kailan hindi ka nadadala noh! hindi ka ba nandidiri sa asawa ko! matapos ko siyang pagsawaan, eh nagawa mo pang makipagtalik sa kanya! puwes para sabihin ko sa 'yo! Kamatayan ang mararanasan niyong dalawa!" matigas niyang wika kay Ricky.

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon