CHAPTER 6

188 9 0
                                    

Nagising na lang si Carla sa loob ng malaking Kuwarto, makalipas ang ilang saglit ng mawalan ito ng malay.

Nag-aalala naman ang mga kaibigan niya habang nakapalibot sa kanya.

Bumangon ito matapos mailibot ang tingin sa kanila.

"anong nangyari! At bigla ka na lamang nawalan ng malay" pambungad na tanung ni Maey.

Kaagad namang sumagi sa isipan ni Carla ang lalaking nakabigti na kanyang nakita, ngunit mas nanaisin niyang ilihim iyon sa kanila, dahil naging kakaiba na ang dating niya nitong ilang araw lang.

Siguro! Totoo nga ang sinabi ng matanda sa kanya.

"Ahhh wala! Wag niyo na akong intindihin," pagkukunwariy niya.

"Ano 'yun Carla! Ba't ka biglang sumigaw! Para kang nakakita ng multo sa lakas ng itinili mo" wika naman ni Greg.

saka bumukas ang Pinto at Pumasok naman si Randy, Umupo ito sa tabi ng dalaga at umalis naman ang dalawa noyang kaibigan.

"Okey ka lang ba? 'buti na lang nagising ka!" mahinahong tanong ni Randy.

"Okey lang ako Randy, pasensya ka na ahh!, may natapakan lang ako na naging sanhi ng pagkadulas ko't pagkasigaw."

"Paparating na ang Doctor na tinawagan ko, pasensya ka na kung hindi kita nadala sa Hospetal, sadyang malayo kasi ang Hospetal rito, sa labas pa ng bayan, at, opinion din ni Maey na 'wag ka nang dalhin doon, because she was sure that your still fine, and we'll just Observe you in a minute.."

Pero 'ndi muna kaagad nakasagot si Carla, dahil naglalakbay ang isipan niya tungkol sa mga taong nakita niya sa panaginip, sa sinabi ng matanda at sa nakita niya sa bahay na ito ni Randy.

"Patuloy silang magpapakita sa panaginip at Pangitain ko?"wika iyon ng matanda na lumitaw sa kanyang alaala.

"Ngunit anong connection ng panaginip ko, at nang lalaking nakabigti sa pangitain ko kanina rito sa bahay ni Randy?

"Mahal ko! 'Wag kang magpapakasal sa iba!" wika ng isang lalaki noong maidlip s'ya sa loob ng sasakyan ni Randy.

"ako ba ang tinutukoy niyang iyon? pero kung ako nga, bakit niya ako pinipigilan na magpakasal sa iba!?" pagtataka niyang tanong sa sarili.

"Carla! Wake up! Okey ka lang ba!" bahagya siyang ginalaw ni Randy sa balikat dahilan para matauhan ito.

"Ahhh ano nga ba sinabi mo?"si Carla.

"Sabi ko! Sina Dad at Mom! hindi mo sila mame-met dahil nasa malayo na naman sila," sabay lingon ng mukha sa iba habang gumuguhit sa mukha ang kalungkutan.

Napansin naman iyon ni Carla.

"Okey lang 'yon Babe, Don't be Sad, let's enjoy your moment here, While Everyone waiting for them," sabay hagod ng kanyang palad sa pisngi ng binata.

Nag-iinuman sila sa Harden ng House ni Randy.

Magkakatabi ang Apat sa isang Table. Panay ang Tagay ni Greg at nalasing na ito kung kaya't kung ano-ano na lang ang nababanggit niya.

Minsan kumakanta-kanta pa ito, Habang si Randy ay Pasimpli pa ring Umiinom. tila problemado pa din s'ya dahil sa tulad ng dati, eh wala na naman sa House ng Probinsyang ito ang mga Parents niya.

"Nasaan ba talaga sila? Ano ba talaga ang Pinagkakaabalahan nila? May kaunting halaga pa ba ako sa kanila?" mga katanungan ni Randy sa sarili.

Habang si Maey rin Ay nalasing na rin dulot ng pakikisabay niya kay Greg, kaya't napabagsak na rin ang noo sa table.

Habang si Carla ay nagmumuni-muni at nagmamasid sa paligid.

Habang nakaupo sa tabi nila, Hindi niya nagawang i-focus ang attention sa pagsasaya nilang ito, ni hindi niya napagmasdan ang pighating dinaramdam ni Randy ng mga sandaling ito.

'Di pa rin maalis sa isipan niya ang kakaibang nasaksihan sa bahay na ito, at para bang napakahalaga para sa kanya na alamin kung sino ang multong nagpakita sa kanya.

"Babe!, Halika sa may duyan.." sabay hila kay Carla papunta sa Gitna ng Backyard.

Sa magkatabing malaking Puno habang naroroon ang Malaking Duyan.

Umupo si Randy at niyakap paupo roon si Carla habang sinasang ayonan lang niya ang Boyfriend.

"Let me hold your hand, and let me show you, how much i care for you Carla! Balang Araw...Nais ko! Dito tayo bubuo ng masayang Pamilya, aalagaan kita sa bawat araw na daraan, at sinusumpa ko sayong! Kailanma'y 'di ka magsisisi sa piling ko.

Habang nakatanaw ang lalaki sa kalahating buwan at may hawak ang kabilang kamay ng alak.

Sasagot pa sana si Carla, pero paglingon nito sa mukha ng Bf eh tulog na ito't humilik ng kaunti.

Umalis siya mula sa pagkakaupo at tinanggal ang boting hawak ng nobyo.

dadalhin sana niya panandalian sa 'di kalayuang lugar kung saan naroroon ang dalawa..

Nang umagaw sa kanyang pansin ang isang Lalaking nakatalikod, na humahagulgul, na nakasuot ng stripe polo.

"Sino ho kayo?" mahina niyang tanong
habang nagtataka. pero hindi sumagot ang lalaki.

Kinabahan siya, ngunit nilabanan niya ang kumakabog niyang puso, makakalap lamang ng kasagutan sa tungkol sa taong ito.

Naglakad ang lalaki at bahagya niyang sinundan.

Nang Bigla na lamang itong maglaho..

Kaagad nagsitayuan ang kanyang mga balahibo at dali-daling bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan.

*-*

"Arlyn! Arlyn!" tawag nang Tumatakbo na binata habang nakaupo ang dalaga sa labas ng maliit na bahay-bahayan sa tabi mismo ng malaking ilog.

"Oh ba't ka kumakaripas ng takbo Mahal ko, Parang nakahukay ka ng kayamanan ah, tila sadyang napakahalaga ng iyong nais iparating."

habang inaamoy nito ang isang Gumamela at Hingal namang dumating sa harapan ng nobya si Ricky.

"Hindi mo ba narinig ang balita Mahal ko" bagamat pagod ay makikita sa itsura ang kagalakan.

"Ang Alin?" nagtaka na rin si Arlyn.

"si Johnrey! Dumating na siya!"

"Talaga!" napatalon pa si Arlyn sa kagalakan, at napayakap sa nobyo.

"Buo na ulit tayong tatlo" magkasabay nilang wika.

Si Johnrey ay kababata nila, matalik na magkaibigan ang tatlo, mahirap si Arlyn at Ricky pero anak mayaman si Johnrey na nagmamay ari ng malawak na Lupain at sakahan sa lugar nilang ito.

Ngunit may lahi itong Hapon, Ang kanyang lolo ay mestisong Hapon, at dinala niya si Johnrey sa Japan upang pag-aralin doon, at Ngyong malalaki na sila, ay ngayon pa lang sila magkikita kita ulit...

ITUTULOY . . .

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon