CHAPTER 12

153 11 0
                                    

Nagising na lang ng umagang ito si Carla sa loob ng bahay kubong iyon.

"Nasaan ako?" habang nagtataka sIya kung bakit napadpad sa lugar na ito.

"Totoo ang nangyari kagabi? ang multong humahabol sa akin?" tanong niya sa sarili.

Inilingon niya ang mukha sa paligid.

Wala namang kagametan rito, kundi isang kamang kinahihigaan niya, kumot at unan.

Isang malaking frame na nakasabit ngunit kumupas na ang larawang ng dalawang magsi-irog sa litratong iyon. maliit na banig na nakalatag sa tabi at ibaba ng kamang kinahihigaan niya.

Bahagya siyang gumalaw upang tumayo, ngunit mahapding-mahapdi ang katawan niya, masakit na masakit iyon.

Ngunit pinilit ang sariling tumayo at maglakad papunta sa malaking larawan na iyon.

"Parang! Parang nakita ko na ang larawang ito?" habang hawak niya iyon.

"Pati ang bahay na ito!" kinabahan siya at muling naalaala ang nangyari sa huling panaginip niya.

"Pinatay ni Ricky si Johnrey?"

Matapos niyang matitigan ang larawang kupas na iyon ay ibinalik niya sa kinasasabitan nito at naglakad palabas sa kubong iyon.

Tumambad sa kanya ang maliit na batis na kalapit lang ng bahay-bahayang ito.

Namangha siya sa nakita, napakaganda nito.

Ngunit kaagad lumitaw sa kanya ang ang batis sa tabi ng bahay-bahayan ni Ricky at Arlyn. Laya't inilibot pa niya ang mga mata.

"Nandito ako, nandito ako sa bahay kubo nila? bakit kaya?" nagtataka pa din siya sa kakaibang nagaganap sa kanyang buhay.

Nang dumating sa kanya ang lalaking nanggaling sa likuran ng bahay kubong iyon.

"Gising ka na pala," wika ng nakangiting binata.

"Ikaw? Macky? Paano mo ako nadala rito?"

Nakita kita sa tabi ng ilog na walang malay, kaya't binuhat kita at dinala rito," wika naman ng binata.

"Ano ba ang nangyari? bakit wala kang malay na nakahiga sa may ilog? sino may kagagawan sa 'yo nito?" pag-aalalang tanong ng binata.

"Hindi ko din alam eh, basta't nagising na lamang ako sa labas ng bahay ni Randy, at may-- " hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin, dahil baka 'di lamang maniwala si Macky sa kakaibang pangyayaring iyon.

"Siya ba ang may pakana ng lahat ng ito?" may halong galit sa boses ni Macky.

"Si Randy?" tanong ni Carla.

"Oo," sagot naman ni Macky.

"Hindi, hindi siya! kalimutan mo na lang," pakli ni Carla sa usapan.

"Ah, shya nga pala, nagluto ako roon sa likuran ng bahay, may kusina kasi kame roon ehh," at naglakad patungo roon na sinundan naman ni Carla.

Malakas ang katok ni Randy sa pintuan ng bahay nila Macky na ikina-alarma naman nila.

Habang kasama ni Randy si Greg,at Maey.

Habang pinatitinginan sila ng mga naninirahan sa kabi-kabilang bahay dahil sa pagsugod ni Randy na tila may matinding galit.

"Ano po iyon sir Randy?" tanong ni Kristell sa kanya.

"Hay Kristell," bahagyang kaway naman ni Greg habang nakangiti kay Kristell, pero nilingon lang siya ni Kristell dahil ang attention ay kay Randy nakatutok.

"Nand'yan ba si Carla?" tanong niya.

"Po? bakit po mapupunta rito ang nobya niyo!" gulat na bigkas ni Kristell.

"Ang kuya mo?" matalim ang titig ni Randy na para bang nagpipigil sa galit.

"Si Kuya po, hindi po dumating! Mula pa kagabi!" at bahagyang nanginig dahil alam niyang galit ang lalaking nasa harapan niya.

"Nasaan siya? saan ko matatagpuan?" si Randy.

"Hindi ko din po alam saan nagpunta eh," kabadong sagot ni Kristell.

Habang ang lola ni Macky ay nasa likuran ng bahay nila, sa munting lupang taniman niya ng mga gulay, at ang matandang lalaki naman ay nakahiga sa kama dulot ng rayoma.

"Carlaaaaa!! Carlaaaa!! Lumabas ka riyan!" sigaw ni Randy tungo sa lob ng bahay.

"Hoy Randy! 'Wag ka namang mag escandalo rito! Nakakahiya!" pigil sa kanya ni Maey.

"Ba't ako mahihiya? eh ako ang nagmamay-ari sa lupang kinatitirikan ng kanilang bahay!" bulyaw ni Randy.

Pumasok sa loob ng bahay at 'di na nagawang pigilan ni Kristell, nang mapagtantong wala ay lumabas habang nakasunod lang si Greg at Maey.

Nasa mahabang upuan si Carla at Macky na nakaharap sa may batis ng hapong ito.

"Paano napunta sa 'yo ang bahay kubong ito, ah, i mean, sa 'yo ba ito?" paumpisang tanong ni Carla upang makakalap ng kaunting kasagutan mula sa gumugulong katanungan sa kanyang isipan.

"Hindi 'to akin, Natagpuan ko lang ang lugar na ito rito, at madalas kaming tumambay rito ni Tacio at ilan sa mga kaibigan namin noon."

"Wala ka bang narinig kung sino ang nagmamay ari nito?"

"Wala eh, kasi sekretong lugar namin ito, kaming magkakaibigan lang ang nakakaalam, at noong matagpuan ko ito ay sira-sira't napakaluma na, kaya't inayos namin," sagot ni Macky.

"Iyong dalawang tao sa litratong iyon? sino-sino sila? nakita niyo na ba sila rito," seryusong katanungan ni Carla.

"Hindi rin ehh, kasi kupas na talaga 'yan ng matagpuan namin rito, siguro sila ang nagmamay ari ng kubong ito," sagot naman kaagad ni Macky.

"Alam mo, kakaiba ang lugar na ito, parang nakita ko na 'to ng personal noon pa. Alam mo bang, ilang beses ko na rin nakita sa panaginip ko ang lugar na ito," si Carla.

"Anong ibig mong sabihin?" habang nagtataka si Macky.

"Ewan ko, pero pati ikaw, kakaiba ang presensya mo sa akin, parang kilala na kita, parang napakalapit mo sa buhay ko," habang deriktang nakatingin sa mga mata ni Macky.

"Kakaiba nga noh, pero siguro, panatag ka lang sa akin, dahil nababasa ng iyong damdamin na isa akong mabuting tao," habang nakangiti si Macky sa binabanggit.

Napatitig na lang si Carla sa ibaba.

"Kailangan kong makilala ang taong makakapagsabi sa akin ng buong kwento tungkol kay Arlyn at Ricky," anang isipan ni Carla.

"May narinig ka na bang pangalang Ricky, Arlyn at Johnrey?" tanong niya.

"Wala ehh, pero dibale, ipagtatanong ko na lang okay."

"Macky! Macky! Macky!" sigaw ng tumatakbong kaibigan niya na si Tacio patungo sa kanila.

"Oh, bakit?"

"Nandito pala si dream girl mo. Hoy! alam mo bang hinahanap 'yan ni sir Randy. Sumugod pa nga sa bahay niyo eh, kasi ang hinala kasama mo si Ma'am Carla. 'Ayan at magkasama pala kayo." habang hinihingal pa ito.

ITUTULOY . . .

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon