FINALLE: CHAPTER 24

240 7 0
                                    

"Kailangan nating puntahan si Macky, nanganganib ang buhay niya," kabadong wika ni Carla sa kanila.

Nagkatitigan na lang ang ilan sa kanila.

"Nararamdaman ko, may masamang mangyayari," habang pawis na pawis si Carla, sabay harap ni Carla sa matanda.

"Lola, maraming salamat po, pero kelangan na naming pumaroon," pamamaalam ni Carla, tumango naman ang matanda at kumilos na si Carla, na sinundan ni Maey at Tacio.

Nagmadali silang puntahan ang bahay-bahayan ng magsing-irog noon.

Malayo pa lang sila'y nagulat na sila sa natanaw.

Sunog at lumalagablab pa ang apoy ng bahay-bahayan na 'yon.

Kinabahan sila sa nangyari.

At lumapit na nga ang nga 'yon. Lalo silang nagimbal sa nakita.

Isang lalaking sunog at halos 'di na ito makilala habang nakahiga ito't nasusunog sa loob ng bahay na 'yon.

Naging abo na rin ang damit nito kaya't 'di na nila matotukoy kung sino ito.

"Macky..." at bigla na lamang lumagapak ng iyak ang kaibigan ni Macky na si Tacio.

Pati si Carlay 'di makapaniwala. Umiiling na lang ito habang nakatulala sa pagmamasid sa bangkay na iyon, pati si Maey ay napatakip ang bibig.

Kasunod nito ang pag-ring ng cellphone ni Maey.

Kinuha niya ito't sinagot.

"Hello, sino po ito?" nauutal na tanong ni Maey.

"Si Carla, nandiyan ba?" matigas ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Kinakabahan si Maey kaya't 'di na nya ito nasagot. Kusa na lang kinuha ni Carla ang phone.

'Puntahan niyo ako sa bahay ko, dahil baka 'di na niyo maabutan ang mga kaibigan niyo," wika ng lalaki sa kabilang linya, sabay off ng phone.

Malakas ang hinala ni Carla, kung sino 'yon, kaya't humakbang na lang siya at agad namang sinundan ni Maey.

Galit ang mababanaag sa mukha ni Carla at wari sumusugod ito.

Nagtataka naman si Maey dahil hindi ito umiimik at kanina pa tinatanong ni Maey.

Hanggang sa marating na ni Carla ang patutunguhan.

''S-sa bahay ni Randy?"tanging naibulalas ni Maey habang nandoon na sila sa labas.

Nagtuloy-tuloy ang dalawa.

Sabay tulak ni Carla sa pintuan ng malakas, kaagad nabuksan 'yon at nagulat sila sa tumambad sa kanila.

Si Macky at si Gemma.

Parehong nakagapos ang kamay nito sa likod at nakasabit ang lubid sa ulo ni Gemmah, mula sa itaas ngunit nakaapak sa upuan.

Habang si Macky ay nakasabit mula sa itaas gamit ang lubid at hubo't hubad ang katawan nito habang duguan na dahil sa paglalatigo ni Randy sa katawan nito.

Habang sa pagitan nila'y doon naman nakatayo si Randy na ngayon ay may hawak na mahabang patalim.

Malangiting aso ang ipinukol nito sa dalawang babae.

"Walang hiya ka talaga, Randy! Isa kang mamamatay tao!" galit na wika ni Carla.

"Hindi ka ba natutuwa Arlyn! nandito ulit tayong tatlo, diba matalik niyo akong kaibigan?" pang-aasar ni Randy.

"Tigilan mo na kami Johnrey! bakit ba hindi mo na lang kame hayaan ni Ricky na mamuhay ng tahimik!" sabay tingin nito kay Macky. Gumaganti naman ng tingin si Macky ngunit may nakabusal na panyo sa bibig nito pati na rin si Gemmah.

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon