CHAPTER 5

206 10 0
                                    

Tinatahak na ni Randy, ang Road papuntang Cagayan Valley, sakay siya ng kanyang Pajero, at magkakasama sa biyaheng ito sina Carla, Maey, at Greg.

Nais ni Randy na ipakilala si Carla sa kanyang ina't ama, at mapasyalan ng dalaga ang kanilang probinsya, upang mas lalong magkakilanlan at walang maging lihim sa isat-isa.

simula kasi ng maging sila ay never pa niyang naipakilala ang dalaga sa kanyang mga magulang.

Samantalang siya'y nakailang ulit nang naisama ni Carla sa Probinsya nila.

Anak si Randy ng Mag-asawang nag mamay ari ng malaking Hacienda at Lupain sa kanilang Probinsya.

Ngunit dahil parati na lamang nag-aaway ang mga 'to noong bata pa lang siya, ay naging sanhi upang unti-unti niyang mailayo ang kanyang damdamin sa mga magulang nito.

Wala nang inisip ang dalawa kundi tungkol sa Hacinda o trabaho.

Isang Lawyer at Teacher ang kanyang mga magulang at walang ibang inatupag kundi trabaho o mga appointment o meeting sa Maynila, Kaya't nawalan na sila ng oras kay Randy.

ang mas lalong 'di kaaya-aya sa dalawa ay noong magawa nilang pagbuhatan o saktan si Randy. kaya't paglaki niya'y nakipagsapalaran sa maynila at minsan na lang magparamdam sa mga magulang.

Greg: "Oooyy Maey! Bakit hindi raw sumama si Brex at Gemma! Sayang 'di kumpleto ang Trip!," si Greg, 18-anyus at ang pinakabata sa kanila, halos kapated na rin ang turing rito ni Carla.

si Carla, Maey, Greg, Brex at Gemma, ay iisang probinsya lamang ang pinanggalingan.

kaya't ganoon sila kalapit sa isa't isa habang naroroon sa maynila.

Maey: "Mas gusto nilang magsolo, so bakit kailangan pa silang piliting isama? mas nakakahiya sa mga magulang ni Randy, dahil pupunuin natin ang Mansion nila," wika ni Maey.

Habang mabilis ang takbo ng sasakyang iyon at malapit na sila sa Probinsya ni Randy.

-

Macky: "Tacio! Alam mo! Napanaginipan ko kagabi 'yung babaeng nakabangga ko sa maynila," nakangiti pa siya habang binabangget iyon.

Tacio: "'Yun! Eh ano naman ang nangyari!" habang pinipitas nito ang Bunga ng Mangga at hinahagis sa ibaba kung saan naroroon naman si Kristel at ilan pa nilang mga kababata.

Nasa itaas kasi sila ng Puno ng Mangga, ito 'yung tambayan nilang dalawa noong mga bata pa sila at dahil namiss nila ang lugar ay 'di na nila napigilang akayatin ng mapadaan sila habang pinapasyalan ang kabukiran.

Macky: :Alam mo Tacio! Kakaiba eh! Parang totoong-totoo,"

Tacio: Ano nga iyon! Anong ginagawa niyo?

Macky: "Inalayan ko raw siya ng Kuwentas na simbolo ng walang hanggang pagmamahalan namin! Alam mo 'yun! Sa panaginip kong iyon! Labis raw ang pagmamahal niya sa akin!"

Tacio: "Naku macky! Panaginip lamang iyan! 'Wag kang magpapaniwala jan!" kontra naman niya.

Napatitig na lang siya sa kaibigan kasunod na initanaw ang mga mata sa malayo.

Macky: "Nakakamiss din ang lugar na ito noh Tacio!" pag-iiba niya sa usapan.

Tacio: Tama ka Macky, nasanay na kasi tayo rito, dahil dito na tayo Lumaking dalawa, kaya't sobrang kakamiss."

makailang sandali lang ay bumaba na ang dalawa.

Na siya namang pagdaan ng Pajero ni Randy papasok sa bayan na ito.

Tumama ang mga mata ni Macky sa dalagang nakaupo sa Frontseat, na 'di naman niya napansin ang binata dahil nakapikit ng mga sandaling ito.

Macky: "Oooyy! Tacio! Ayon siya!"sabay turo sa sasakyang lumampas na sa kanila.

Tacio: "Sino Macky!?" habang nataranta at nabigla sa tinuran ni Macky.

Macky: 'Yung Dreamgirl ko! 'Yung nakabangga ko sa maynila!" habang patuloy na nakaturo pa din doon.

Tacio: Eh diba! 'Yan 'yung sasakyan ng Anak ni Mr. Dantes! na si Randy, 'yung tagapagmana nang lupaing ito?, ba't nanjan ang babaeng iyon? 'Di kaya siyota ni Randy. napasimangot naman si Macky sa narinig.

Macky: "Ewan ko! Ngunit nais ko siyang makilala!" may halong lungkot ang kanyang boses.

Dumating na rin ang magkakaibigan sa Resthouse nila Randy.

'Di naman kalakihan ang House, Ngunit ito 'yung pansariling bahay ni Randy na ibinigay ng mga magulang niya, dahil napansin nila sa kanya na tila nais niyang mapag-isa lagi noon.

Sa bahay na ito, tumira si Randy at lahat ng mga collections niya or kagametan ay dito na rin nakalagay lahat.

May kalayuan pa ng kaunti ang Mansion ng kanyang mga Parents, ngunit mas ginusto niya na magpahinga muna sila sa bahay niyang ito, namiss rin niya ito dahil sa haba ng panahon na 'di nakapasyal ng probinsya.

"Sir Randy, Nalinis na po ng aking asawa ang buong bahay," wika ni Mang Maurisyu. ang matagal na nilang katiwala.

"Salamat Tatang, sina Dad at Mom pala?" tanong ni Ricky sa Matanda.

"Naku Sir! Ilang Araw na silang wala rito! Dahil may mga importanting bagay pa raw silang inaatupag" wika ng matanda, na ikinasimangot naman ni Randy.

Habang si Carla naman ay nag-paalam upang pumunta sa Bathroom.

Naglalakad pa lang siya, nang maging kakaiba ang Presenya sa kanya ng Bahay na ito.

Tila may malamig na hanging bumabangga sa kanya at tila may ingay na kanyang naririnig.

Ngunit ipinag sa walang bahala na lang niya iyon.

Nagtuloy-tuloy siya sa Loob, at humarap sa salamin.

Nang bigla na lang lumitaw sa likuran niya ang isang figura ng tao.

nakikita niya ito mula sa repleksyon ng salamin na ito.

Kaagad siyang namutla at unti-unting inilingon ang ulo sa likuran.

"Huuhh!!" 'buti na lang wala," hingal siyang ibinalik ang paningin sa harapan.

Nang biglang tumambad sa kanya ang lalaking nakabigti, nakasabit ang leeg nito sa makapal na lubid, at nakalawit pa ang dila nito.

"Aaaaaahhhhhhhhh!!!" napaurong at napasigaw ng malakas si Carla.

Kasunod nito ang kanyang pagkadulas..

At nawalan ng malay.

ITUTULOY..

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon