CHAPTER 4

227 11 0
                                    

Randy: Oh bakit?, what's wrong Babe?,
takang tanong ni Randy habang magkasama sila sa loob ng kotse, at binabagtas ang kahabaan ng edsa upang ihated sa Paranaque si Carla.

Carla: Nothing, panaginip lamang" sagot niya sa kanyang nobyom

Naidlip lang siya ng ilang saglit sa loob ng kotseng iyon.

Randy: "baba muna tayo rito babe, to take Launch," at pumarada sa parking Area.

Bumaba naman ang dalawa at pumasok sa chowking at umorder ng makakain.

Randy: Okey ka lang ba?, i still feel you.

... parang may kakaiba sa'yo," nag-aalala nyang wika sabay hawak ng mahigpit sa mga palad ni Carla.

Carla: ahhh wala 'to Randy, pasensya ka na ahhh, nagiging weird na talaga ako,"

Randy: Napansin ko, kanina ka pa nagiging tahimik, minsan nagsasalita ako pero tulala ka, Babe, kung may mga problema ka man, 'wag mong soloin please, eshare mo sa akin.

Carla: Randy...'wag mo ng intidihin 'to, may bumabagabag lang talaga sa akin, pero 'wag kang mag-alala kasi okey lang talaga ako,promise.

Randy: Tungkol ba 'yan sa kasal natin?, puwedi nating e urong ang napagplanuhan nating month, i will respect you, and i understand if ever that your not ready for this wedding," may halong lungkot ang mga tinig na pinakawalan niya.

wari kaunting bagay lamang tungkol kay Carla ay tila maiiyak ito.

Labis ang pagmamahal niya sa babaeng ito, at lahat magagawa niya para lamang kay Carla.

Carla: No Randy, Stop thinking anything, mahal kita, at masaya akong kasama ka lagi, specially in my future Life.

At hinawakan sa pisngi si Randy.

idinugtong naman ni Randy ang isang palad sa palad ni Carla na nakadikit sa kanyang pisngi.

Randy: I love you so much babe..'di ko kakayaning mawala ka.." madamdamin niyang wika.

*-*

Sakay na ng Traysikel patungo sa kanilang baryo ang magkaibigang Macky at Tacio.

at labis ang excitement na kanilang nadarama na muling masilayan ang bayang kanilang kinalakihan.

Macky: "Lola! Lolo! Kristell! Yahoooooo!!! Nandito na kame!!" patakbo niyang sigaw ng matanaw niya ang mga 'to na nakaupo sa labas ng kanilang Bahay.

si Tacio naman ay Tumatakbo rin patungo sa kanilang bahay habang sinasalubong ng madami nyang kapated.

Magkatabi lamang ang bahay ni Macky at Tacio.

"Oh Apo! Mabuti naman at ika'y bumalik na!," wika ng kanyang lola, at hinagkan naman ito ni Macky.

Ganoon din ang kanyang lolo.

habang labis ang kasiyahan ng dalawang matanda sa kanyang pagdating.

matapos ay mahigpit na niyakap ang 17-anyos na kapated.

Macky: Oh Kristell!, pasalubong nang kuya mo!," sabay labas nito ng Cellphone.

Kristell: Wow Kuya, Thank you," masaya niyang tugon sa kapated.

Macky: "Kumusta na kayo lolo,lola, miss na miss ko na kayo" mangiyak-ngiyak nyang wika.

"Abay apo, mabuti naman kame," sagot naman ng kanyang lola.

Kristell: Kuya, ang guwapo-guwapo mo ngayon, Manila boy ka na talaga ahhh," biro niya sa mahal noyang kuya.

Macky: Ehhh Bakit, matagal nang Guwapo ang kuya mo ahhh," at kinurot sa pisngi ang maamong mukha ng dalaga niyang kapated.

masayang-masaya naman si Tacio habang kayakap ang madaming maliliit na kapated.

Ricky: Arlyn...Nais ko'y iyong tanggapin ang K'wentas na ito, bilang simbolo ng Walang hangganan kong Pagmamahal sa iyo.

Arlyn: Wow.. Ang ganda naman nito Ricky," at tumayo si Ricky at ipinasout sa kanyang sinisinta ang Gold na Kuwentas na Hugis Puso at naroroon ang dalawa nilang litrato.

Hinawakan naman ito ni Arlyn at Binuklat, habang ikinakabit ni Ricky sa Kanya.

Ricky: Arlyn...Ikaw ang buhay ko... Hindi ko kakayanin kung sakali mang ika'y lumayo, Basta't pagkakatandaan mo, kailanma'y tanging ikaw lamang sa puso't isipan ko" at unti-unting naluluha.

Arlyn: Tumayo ka na jan Ricky, Dahil kahit kailan, 'di kita ipagpapalit kahit kanino man, Ikaw, at ikaw at ikaw pa din ang mamahalin ko..hanggang sa dulo ng walang hanggan...

Huhhhhh!!!

At bigla na lamang napabalikwas si Macky mula sa Panaginip na iyon.

Macky: Isang Panaginip! Sino kaya sila?!

-
Habang si Carla naman ay simpling naidilat lamang ang mga mata mula sa Panaginip niyang iyon.

Hindi na siya nabigla oh kumabog ang dibdib, dahil ang panaginip na ito ay magaan ang naging dulot nito sa kanya, Para bang may nararamdaman siyang kaunting kaligayahan dulot ng panaginip niyang iyon.

Ngunit 'di niya maitatanggi sa damdamin ang panghihinayang.
Kahit may halong pagtataka ang isipan nya sa mga pangyayari.

"ang Panaginip na iyon, parang! Parang tunay na bahagi nang aking buhay, at ansarap sa pakiramdam!!" anya sa sarili.

at tumayot binuksan ang ilaw, at humarap sa kanyang Tokador.

"Marahil! Totoo ang nabanggit nang matandang iyon, kaya't dapat ko nang sanayin ang sarili kong ito sa mga panaginip na iyon, nang sa ganoon, luminaw na sa aking isipan ang lahat ng mga pangyayaring iyon.."wika niya sa sarili.

ITUTULOY..

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon