CHAPTER 16

154 7 0
                                    

Nang marating ni Macky ang kanyang Lola
ay kaagad niyang itinanong kung may alam siyang taong nagngangalan ng Ricky, Arlyn at Johnrey noong kapanahunan nila.

Nagtaka naman ang lola niya kung bakit nagtatanong ng mga ganoong bagay.

Idinahilan na lang niya na may nakita siyang larawan ng dalawa.

Tumahimik ang sandali sa pagitan ng pag-uusap ni Macky at ng kanyang lola dahil nag-iisip itong sabihin sa kanya ang isang bagay.

Nakita na minsan ng matanda si Carla, kaya't alam niyang kahawig ni Carla si Arlyn sa itsura.

Lagi rin niyang naririnig na laging binabanggit ni Macky ang pangalan ni Arlyn at minsa'y ni Carla sa panaginip ni Macky.

"Lola, Ano po? May nalalaman po ba kayo?"

"Hindi kita pagdadamutan, Macky, na may malaman mula sa akin na mahalagang bagay tungkol sa kaibigan mo.

Pinuntahan ng matanda ang ilalim ng kanyang kama may kinuhang malaking kahon. Binuksan at inilabas niya roon ang isang alahas.

Nagtaka naman si Macky habang nakatitig doon.

"ito 'yung kuwentas na inalay ko kay Carla? Isa sa mga panaginip ko, noong unang gabi ng bakasyon ko rito."

Inabot niya mula sa kanyang lola ang kuwentas.

At umitaw sa kanyang paningin ang isang eksena.

Nakatayo siya habang hawak ng nakakuyom niyang kamay ang kiwentas na simbolo ng pagmamahalan nila ni Arlyn. nlNakatitig siya rito habang nakatayo siya sa gitna ng malawak na maisan.

"Mahal kita Arlyn! At tulad ng pangako ko sa 'yo! habang hawak pa ng isa sa atin ang kuwentas na ito ay kailanman 'di ko hahayaang tuluyang maglaho ang pag-iibigan natin," madamdamin niyang wika.

Duguan ang katawan niya, habang pinaghahanap ng mga tauhan ni Johnrey.

"Hanapin niyo siya at 'wag hahayaang makatakas!" wika ng isang lalaking armado.

kaagad pilit na tumakbo ng matulin si Ricky palabas ng maisan, kahit hirap siyang ihakbang ng tuwid ang isa sa mga paa niya, dahil sa hirap na tinamo sa kamay nila.

Naramdaman niyang napapalapit na ang mga kalalakihang sumusunod sa kanya.

Nakatakas lamang siya mula sa pagkukulong nila sa kanya.

Upang 'di niya mahadlangan ang nakatakdang kasal ni Arlyn at Johnrey.

At ngayong araw na nga ang pag-iisang dibdib ni Johnrey at Arlyn.

Hanggang sa matanaw niya ang bukana ng maisan.

Nakalabas siya at sakto namang kakadaan lang kanina ng kotseng sinasakyan ni Arlyn tungo sa simbahan.

"Arlyn!" sambit sa sarili ni Ricky.

Habang tanaw niya ang kotseng iyon.

Hinabol ang kotseng iyon na pumapatungo naman sa simbahan.

Sumigaw si Ricky, baka sakaling makaagaw pansin kay Arlyn na nasa likuran lamang siya.

Ngunit mabilis na nadatnan ng mga tauhan ni Jonhrey si Ricky.

Pinukpok ng isang lalaki ang kanyang ulo dahilan upang mawalan ng malay, at hinila nila patago sa maisan.

Lumingon naman sa likuran si Arlyn pero wala na siyang nakitang tao roon.

"May narinig po ba kayong tumatawag sa akin?" tanong ni Arlyn sa driver ng kotseng iyon.

"A, wala po senyurita," sagot ng driver.

SOUL OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon